Kaliwa’t kanang batikos ngayon ang
natatanggap ng starlet na si Nathalie Hart matapos siyang mag-post ng kanyang
litrato sa Instagragram na may caption na “If rape is invitable, layback and
enjoy it.” Ang bagay na ito diumano ay kanyang natutunan mula sa kanyang ama. Hindi
ito nagustuhan ng mga netizen partikular na ang kababaihan, lalung-lalo na ang
mga babaeng nakaranas na ng sekswal na pang-aabuso.
Marami ang nagalit sa post ni Hart
dahil para sa kanila ay okay lang naman pala ang ma-rape. Kaya’t maluwag lang
itong tanggapin at huwag nang manlaban pa total ay wala na rin namang magagawa.
Ang kanyang pahayag ay mistulang nagpaaanyaya pa sa mga rapist na mang-abuso ng
kababaihan. Maging ang DJ na si MO Twister ay nagpahayag ng kanyang pagkainis
sa ipinost ng starlet at dahil dito ay inun-followed na niya ito.
Sinabi pa ng mga netizen na ang
panghahalay sa kababaihan ay hindi kinukunsinte sa anumang bansa o kahit anong
kultura. Ang mga gumagawa nito ay dapat na pinaparusahan. Isa itong mabigat na
pagkakasala kaya’t hindi rin tama na basta na lang ginagawang biro. Matatandaang
nabiktima ng rape joke ang respetadong broadcaster na si Jesicca Soho sa
concert noo ng komedyanteng si Vice Ganda. Dahil sa masamang biro ay maraming
nagalit kay Vice.
Matapos na makatanggap ng mga
kritisismo, agad din namang humingi ng paumanhin si Kath sa mga indibiduwal na
kanyang nasaktan. Wala siya diumanong intensyon na makapanakit ng damdamin ng
iba at inamin niyang masamang biro nga ang kanyang nagawa. Pinaninindigan niya
na hindi niya isinusulong ang pang-aabuso sa kababaihan lalung-lalo na ang
panghahalay sa mga ito.
Unang nakilala si Hart bilang Princess Snell at produkto ng Starscruck Avenger ng GMA-7. Siya ay nakasama sa romantic comedy
movie na Somebody to Love at kasama rin siya sa cast member ng Shake, Rattle
and Roll XV.
No comments:
Post a Comment