Nababalitang patay na diumano ang singer/songwriter na si Bamboo Mañalac. Ito ay kumalat sa Facebook at Twitter matapos na may nag-post na isang blogger na may nagsasabing namatay ang singer dahil sa drug overdose. Ang post ay naglalaman ng Youtube video na may larawan ni Bamboo na ang nakusulat ay “RIP Bamboo Mañalac 1976-2014”. Ang video ay nagrirekomenda na i-share bago mo ito ma-access, pero sa ngayon ay ‘di na accesable ang nasabing video.
Tila yata naging gawi na ng ilang mga blogger ang mag-imbento ng mga istorya kabilang na nga rito ang pagpatay sa mga kilalang personalidad para lamang dagsain ng traffic ang kanilang website. Balewala sa kanila ang makapanlinlang ng mga tao at makasakit ng damdamin ng mga taong pinapatay nila sa mga pekeng balita. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang kumita ng pera mula sa gawaing ganito. Kaya’t ‘di na rin nakapagtataka kung bakit laganap ang ganitong istilo. Ilan lang sa mga personalidad na nabalitang namatay na ay sina Jose Manalo, Willie Revillame, Paolo Bediones at kung sinu-sino. Kung inyong maaalala, maging si Dolphy bago namayapa ay ilang beses na ring pinatay sa pamamagitan ng mga malisyosong balita. Asahang sa susunod pang mga linggo ay mayroon uling mababalita na namatay na raw, pero kapag inalam mo ay hindi naman totoo.
Hindi ito ang unang beses na naging biktima si Bamboo ng malisyosong balita. Kamakailan lang din ay napabalitang kapatid niya raw ang aktres na si Dawn Zulueta kahit na ‘di naman sila magkaanu-ano.
No comments:
Post a Comment