Tamang nutrisyon- Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Siguraduhing sa bawat araw ay may gulay o prutas ka na nakakain. Iwasan ang softdrinks at inuming may caffeine.
Disiplina sa pagkain- Kung maaari ay iwasan ang sobrang pagkain lalo na sa gabi, ituon na lamang ang pansin sa ibang bagay at disiplinahin ang sarili.
Iwasan ang mga processed foods- Ang pag-iwas sa mga ganitong pagkain ay makatutulong upang maiwasan ang pagtaba at pagkakaroon ng sakit tulad ng kanser.
Kontrolin ang timbang- Piliin ang mga pagkaing mababa sa calories. Isang paraan upang malaman kung gaano kadami ang calories sa katawan ay ang paggamit ng Basal Metabolic Rate formula. Ang sapat na BMR sa mga kababaihan ay 2,000 hanggang 2,100 calories sa isang araw at sa kalalakihan naman ay 2,700 hanggang 2,900 calories.
Iwasan ang sobrang pagpapagod- Ang sobrang pagpapagod ay nakapagdudulot sa atin ng pagkagutom kung kaya’t di maiiwasan ang pagkain ng marami. Alamin ang dahilan ng pagkahapo at gumawa ng hakbang upang maiwasan ito. Isang paraan ay ang paghinga ng malalim sa loob ng 5 hanggang 10 minuto kapag nakakaramdam na ng sobrang pagkapagod. Isa ring mabisang pamamaraan ay ang Yoga.
Sapat na tulog- Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkakaroon ng sapat na tulog na hindi bababa sa walong oras ay malaking tulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at isipan. Kung mapapansin natin, ang mga taong kulang sa tulog ay palaging iritable, hirap mag-concentrate sa trabaho at mas malapit sa sakit at kakulangan ng enerhiya.
Positibong pag-iisip- Ang pagiging positibo ay nakapag-bibigay ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Kung mapapanatili ang ganitong kaisipan ay malaki ang magagawa nito para sa malusog na pamumuhay.
I-exercise ang ating puso- Ang cardiovascular exercise ay isa sa nagpapatibay ng ating cardiovascular system. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pagtakbo, paglangoy, pagbibisikleta at iba pang pisikal na aktibidad.
Maging aktibo sa spots- Isa sa mabisang pamamaraan upang mapanumbalik ang lakas ay maging aktibo sa sports. Malaki rin ang kontribusyon nito sa iyong pag-uugali, mas malayo sa sakit, mapapanatili ang tamang timbang at nakapagbibigay ng enerhiya sa katawan.
Magkaroon ng masayang oras kasama ang pamilya- Napakahalaga na magkaroon ng oras na makasama ang buong pamilya. Maaaring mag-set ng isang activity kung saan mag-eenjoy ang bawat isa.
No comments:
Post a Comment