Friday, November 7, 2014

Tips sa Pag-aalaga ng Ating Mga Mata

Sinasabing ang mata ay bukal o salamin ng buhay kaya’t dapat lamang natin itong ingatan. Madali lang naman itong gawin. Narito ang mga simple subali’t epektibong pamamaraan para mapangalagaan ang ating mga mata.


Ugaliing kumain ng masusuntansyang gulay sa iyong araw-araw na pagkain. Kabilang na rito ang papaya, oranges, carrots at spinach na pawang mayaman sa Vitamin A, beta carotene at mga kinakailangang mineral na nakakapagpalinaw ng mga mata. Maging ang broccoli ay mainam din na kainin dahil nagtataglay ito antioxidants at samu’t saring bitamina.

Importante din na iwasan ang sobrang pagkapagod ng mga mata. Iwasan ang pagababad sa telebisyon at pagbabasa sa mahabang oras. Kapag nagtatrabaho naman sa harap ng computer, saglit na ipahinga ang iyong mga mata lalo na’t nakararamdam na ng kakaiba. Maaaring wisikan ng malamig na tubig ang mga mata kapag nag-break sa trabaho. Ito ay makatutulong para marelax ang mga mata. Ang pagtititig ng matagal sa telebisyon at computer ay tiyak na nakakapagpaluha ng mga mata na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tinatawag na ‘dry eye syndrome’ at ito ay nakaka-iritate sa ating mga mata. Makararamdam ng pangangati ng mata at pagkaantok.

Ingatan din ang mga mata mula sa sikat ng araw. Ang sobrang pagkabilad ng mga mata sa araw ay makaaapekto sa paningin. Kung kaya’t magsuot ng sombrero o ng sun glasses para maprotektahan ang mga mata.  Siyempre, importante rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog upang maipahinga ang ating mga mata. Ikurap din ng madalas ang ating mga mata dahil kahit sa ganitong kasimpleng paraan ay nalilinis na ang ating mga mata. 

Inaakala naman ng iba na ang puwing ay ordinaryo lamang. Ngunit may mga pagkapuwing na nauuwi sa malaking problema. Kaya’t kapag nakaramdam na ng kakaiba sa mga mata

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...