Nanghihina ka ba, walang ganang kumain, may ubo at sipon tapos ay nilalagnat pa? Aba’y trangkaso na ‘yan, kapatid. Huwag munang magkikilos dahil kailangan mo ng sapat na pahinga.
Pero saan nga ba nakukuha ang sakit na ito? Ang trangkaso o flu ay nagmula sa maliliit na mikrobyo na dinadala ng hangin. Ito ay maliliit na likido mula sa maysakit kapag ating nalanghap ay posibleng mahawa tayo. Naililipat ito ng maysakit sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, maging paggamit ng kanilang pinagkainan at pinag-inuman. Kaya’t kung may trangkaso ang kasama sa bahay ay medyo dumistansiya muna at huwag gagamitin ang kanilang kutsara at baso para ‘di mahawa.
Madali lang magkaroon ng trangkaso ang isang tao kung mahina ang resistensya nito. Karaniwang namamalagi o tumamatagal ang mikrobyo sa katawan sa loob ng isang linggo. Kapag lumala ang trangkaso ay maaari itong mauwi sa komplikasyon at maaari pang magkaroon ng pulmonya o bronchitis. Kaya’t kapag tipong ang tagal gumaling ng trangkaso ay makabubuting magpasuri agad sa duktor para ‘di na umabot pa sa ganito. Pero kung mild lang naman ang mikrobyong dumapo ay gagaling din naman agad ito. Kinakailangan lang uminom ng antibiotic para labanan ang mikrobyo. Pero tandaang hindi talaga antibiotic ang pumapatay sa mikrobyo kundi ang ating immune system mismo. Kaya’t mahalagang huwag aabusuhin ang ating katawan sa pamamagitan ng laging pagpupuyat, sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo at kung anu-ano pang mga gawain na magpapahina ng immune system.
Para naman mapalakas ang immune system ugaliing matulog ng maaga. Kumain din ng masusustanisyang pagkain tulad ng glay at prutas. Uminom ng maraming tubig at siyempre huwag kalilimutang mag-ehersisyo. Kung malusog kasi ang ating katawan ay ‘di tayo basta-basta dadapuan ng kahit na ano’ng uri ng sakit. Kung swine flu naman itatanong ay ibang klaseng flu ‘yan dahil lubhang napakadelikado. Mabuti na lamang at wala pang ganyan sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment