Kadalasan, ang mga hindi magandang karanasan ay mahirap kalimutan. May paliwanag ang mga siyentipiko hinggil dito.
Ayon sa pagsasaliksik nina Hailan Hu, PhD, at Roberto Manilow, MD, PhD, ng New York Cold Spring Harbor Laboratory at nailathala sa WebMD Medical News, sa mga nakaka-stress na sitwasyon, ang stress hormone nanorepinephrine ang nagpapasigla sa ating utak upang alalahanin ang mga hindi magagandang bagay nang sa gayon ay maiwasan na natin na mangyari uli ito. Ginagalaw ng norepinephrine ang isang bahagi ng chemical receptor sa utak na tinatawag na GluR1. Dahil dito, bumababa ang kakayahan ng utak na matuto kaya mas madali ang mag-imbak ng memorya.
Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang pagtatago sa utak ng masasamang alalala sa mga daga at hindi sa mga tao. Ayon kay Manilow, inaasahan nilang pareho ang molecular mechanism ng mga daga at tao. Ang mga daga ay iniksyonan ng epinephrine (na nagpapasigla sa norepinephrine sa central nervous system) o tubig-alat (na hindi nakakaapekto sa norepinephrine).
Ang mga daga ay ikinulong sa isang bagong kulungan at hinayaan maglibot doon. Nang sumunod na araw, muling ipinasok ang mga daga sa nasabing kulungan, kung saan ay nakaranas sila ng mild electrical shock.
Nang sumunod na araw, muling dinala ang mga daga sa nasabing kulungan na wala nang electrical shock. Pinanood ng mga researcher kung sino ang mas tatagal sa kulungan: ang mga may epinephrine ba, o ang may tubig-alat na iniksyon.
Lumabas na mas tumagal sa kulungan ang mga daga na iniksyonan ng epinephrine kaysa sa iniksyonan ng tubig-alat. Isa itong karanasan na batay sa takot, ayon sa mga siyentipiko.
No comments:
Post a Comment