Sunday, November 16, 2014

Halaga ng Almusal

Umaga na naman at kinakailangan mo uling gumising. Walong oras o higit pa na walang lamang pagkain ang iyong katawan. Kaya’t kinakailangang magkaroon ng laman ang tiyan para magkaroon ng enerhiya sa pagsisimula ng anumang pagkain.  Kaya’t ang almusal ang pinakamahalagang parte ng pagkain dahil dito nagsisimula ang iyong araw.

Pero ang tanong, sapat na ba ang ating inaalmusal? Nakasanayan na kasi ng marami sa atin na kapag almusal ay ayos na ang kape at konting tinapay. Ang kape at asukal kasi ay maituturing na stimulant pero kapag nasobrahan ay nakasasama rin dahil pinapataas nito ang blood glucose level sa ating katawan. Mapapansin ding kapag kaunti lang ang kinain ay madali ring magutom. Kaya’ ang resulta ay nanghihina pa rin ng ‘di namamalayan. Ang katawan ng tao ay maihahalintulad sa sasakyan na nangangailangan din ng gas. Kapag hindi angkop ang inilagay na gas sasakyan ay papalya ay siguradong papalya ito.


Ang iba nga ay ‘di na nag-aalmusal, ang katuwiran ay babawi na lang ng kain kapag tanghalian. Mali ang ganitong kagawian, dahil ang pag-aalmusal ay pinakapundasyon, kung saan dapat ay makapag-ipon ng lakas na kinakailangan sa buong araw. Kung mahina ang pundasyon ay maaaring bumigay ang katawan. Dapat ay mga heavy food ang ating kainin para mabusog katulad ng kanin. Sabayan pa ng pag-ulam ng gulay para magkaroon ng sustansiya ang katawan.  Mainam din ang oatmeal at maaring samahan ng pagkain ng mga pagkaing  mayaman sa protina tulad ng mansanas o ‘di kaya’y mani. Kapag sa ganitong pagkain mo sinimulan ang iyong araw ay hindi alng ang katawan mo ang magiging masigla kundi pati na rin ang pag-iisip.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...