Matagal ring naging bahagi ng kulturang Pinoy ang pagbabasa ng komiks. Ngunit dahil sa pagsulpot ng ibat ibang uri ng makabagong libangan ay napalis din ito. Bagamat ganun ang alaala ng komiks ay nananatiling buhay sa puso at gunita ng mga minsan ay nhilig dito. Katunayan buhay pa rin sa ating alaala sina Darna, Captain Barbell, Valentina at iba pang komiks character.
Mula nang ako ay matutong magbasa kasabay na rin dito ang pagkahilig ko sa pagbabasa ng komiks tulad ng Funny Komiks at Bata Batuta na tlg nmang nakalilibang bshin dhil mrami kang mtututunan. Hanggnag sa paglaki ko ay dala-dala ko ang hilig na ito. Lahat na yata ng uri ng komiks ay mayroon ako, mayroong komedi, adventure, aksyon. drama at iba pa. Ayos lang sa kin kung wakasan man o tuluyan basta maganda ang istorya. Kahit nga baon ko ay iniipon ko makabili lang ng komiks. Kapag wala namang pambili ay nanghihiram ako sa kapitbahy kayat masasabing isa kong komiks fanatic. Uso pa nga noon ng mga komiks stand. Masarap tumambay doon, piso lang ang arkila. Kung mrami kang barya kahit maghapon kang magbasa ng komiks ay hindi ka maiinip. Dahil hindi mo naman nammalayan ang oras. Pinapalakas pa nito ang iyong imahinasyon, waring inilalakbay ng komiks ang iyong diwa sa kung saan. Para rin bang kasama ka sa istorya, kasi naman ay sinasalamin nito ang karanasan at damdamin ng tao. Halos hindi ko na nga namalayan na unti unting nawala sa mga bangketa ang komiks.
No comments:
Post a Comment