Kung mayroon kayong bakuran o espasyo sa likod ng bahay ay maaaring magsagawa ng composting. Kinakailangan lang maghukay ng lupa at dito ang mga pinagbalatan ng gulay o yaong tinatawag na organic matter hanggang sa mabulok. Nakabawas ka na ng kalat ay mayroon ka pang libreng fertilizer na siguradong malusog dahil walang halong kemikal.
Siyempre, mahalaga rin ang pagre-recycle ng mga basura. Ang mga plastic, aluminum, bote at iba pa ay mainam na ibenta sa junkshop. Kahit kaunting pera lang ang makukuha ay makadadagdagag na rin ito sa budget ng pamilya. Maging ang mga pamahalaang lokal nga sa atin ay nakaiisip na ring maglagay ng ng Material Recovery Facility sa kani-kanilang bayan para ang mga basurang maaari pang pakinabangan ay maibenta nang sa gayun ay makadagdag ito sa kanilang pondo.
Kung sakali namang may mga lumang damit na gusto nang idespatsa ay huwag itong itatapon basta. Kung maayos pa naman ay puwedeng magsagawa ng garage sale. Kung ayaw naman ay may mga tindahan ng ukay-ukay na tumatanggap ng mga damit buhat sa iba buklod sa kanilang pinagkukuhaan. Kung ayaw naman ay maaaring i-donate na lang ito sa mga institusyong tumutulong sa mga kapuspalad nating kababayan.
Kung marunong magkumpuni ng mga sirang kasangkapan o mga gamit ay ayusin na lang para hindi ito makadagdag sa basura. Kung hindi naman marunong ay mayroon namang mga naaarkilahang gumawa. Nakabawas ka na sa basura, nakatipid ka pa dahil ‘di mo na kailangang bumili pa ng bagong kagamitan.
Kapag namamalengke naman ay magdala na lang ng sariling lalagyan gaya ng bayong at dito ilagay ang mga pinamili. Kapg hindi mo ito ginawa ay katakut-takot na plastic na naman ang iuuwi mo. At alam naman nating ang plastic ay libong taon ang aabutin bago ito mabulok. Kaalinsabay na rin ng pamimili ay laging isaisip ang mga bagay na talagang kinakailangan. Kapag nagkataon kasi ay magiging basura lang din ito sa kinalaunan.
Para maiwasan ang pagtatapon ng mga tirang pagkain ay huwag magtitira kapag kumakain. O ‘di kaya’y kapag hindi kayang ubusin ay ilagay muna ito sa loob ng ref para hindi mapanis at kainin na lang kapag nagutom uli.
Gumamit ng mga bagay na reusable kaysa disposable. Imbes na paper towel ang gamitin ay gumamit ng basahan para nalalabhan.
No comments:
Post a Comment