Pag-ibig, 'di ba't ikaw ay nagbibigay ng pag-asa?
Tanging pag-asa sa mundo na ligalig ang dala
Kapag nadarama ka ay ano'ng aking ligaya
Nakalilikha ng mga salitang magaganda
'Di maipaliwanag parang nananalinghaga
Nakaukit sa puso ko bilang obra maestra.
Nais kong itangis ang aking mga kalungkutan
Sa natamo kong napakasakit na kabiguan
'Pagkat ang inibig ko'y mayroon ng kasintahan
Mahal na mahal niya ito't 'di kayang iwanan
Kaya't ako'y mababalewala lang naman
Ako ba'y laging biktima ng mga kaganapan?
Pag-ibig, bakit kay lupit mo at napakailap?
Ang nangyari sa akin ay lubhang napakasaklap
Bakit masamang simoy ng hangin ang nalalanghap?
Sa sobrang sakit ang balat ko parang matutuklap
Ang matamis na pag-ibig kailan malalasap?
Magkaroon ng kabuluhan ang aking paghihirap.
Marahil ay madaling makadaya ang alindog
Kaya't dagling umiibig, dibdib ay kumakabog
Ngunit ang kalooban ko'y nalasog at nadurog
Sa kaiisip ang utak ay tila binubugbog
Tila ako nasa gilid ng bangin, nahuhulog
Madilim ang langit, kumikidlat at kumukulog!
Pag-ibig, nais kong madamang muli ang 'yong paggiliw
Katulad noon na lagi mo akonbg inaaliw
'Di tulad ngayon na para akong nababaliw
Naliligo sa ulan kaya't tila basabg sisiw
Sa malungkot na damdamin ibig ko ng bumitiw
Ibigay ang tunay na pag-ibig na walang maliw...
No comments:
Post a Comment