Sunday, December 1, 2013

Wheatgrasscan: Sariwang Inumin Para sa Lahat

                  

                   


               Inaakala ng iba na ang damo ay para lang sa mga hayop.  Pero alam n’yo ba na puwede itong inumin dahil nagiging juice ito? Opo, matitikman ang Wheatgrass Can, gawa ng Easy Pha-Max company, isang international company na ngayon ay may sangay na rin sa ating bansa.

                Ang Wheatgrass Can ay may halong vitamin C,B,A at E, mga nutrinang kinakailangan ng ating katawan para maging malusog. Nakatutulong ang produkto para maging malinis at dumaloy nang mabuti ang ating dugo. Nagsisilbi itong anti-oxidant at inaalis ang mga free radical sa dugo. Ang damong ginamit dito ay talagang organic.  Mas masustansya pa nga ito kumpara sa gulay at prutas na ilan ay ginagamitan ng pesticide o kemikal. Pero sa Wheatgrass Can ay may hiwalay pa na kumpanya, ang Origin Foods na istriktong nagsusuri sa kalidad ng mga damong ginagamit para sa produkto.

                Sa Blogapalooza, event ng mga blogger ay nagkaroon ng kinatawan na nurse para suriin ang dugo ng ilang mga dumalo. Pagkatapos masuri ay pinainom ng Wheatgrass Can saka muling sinuri. Sa unang resulta ay medyo malapot at magkakadikit pa ang cells ng sumalang sa eksaminasyon. Pero nang muling suriin ay gumanda agad ang daloy ng dugo nito. Maging ang organizer ng event na si Vince Golangco na nagpasuri rin ng kanyang dugo ay namangha sa dahil ang bilis ng epekto ng Wheatgrass Can sa katawan ng tao. 

                Siyempre, ‘di ko pinalagpas na makatikim ng Wheatgrass Can. Nang mainom ko ay napa-wow ako dahil hindi pangit ang lasa nito. Noong una kasi ay iniisip ko na amoy at lasang damo lang ito. Hindi mapait at hindi rin matamis. Kumbaga, tamang-tama lang ang lasa. Puwede ito sa lahat, kahit pa sa mga highblood man o anemic ang dugo. Ang maganda pa rito, meron silang sacchet. Madali lang timplahim dahil para ka lang nagtitimpla ng karaniwang juice. Kung medyo maselan at ayaw makitang gawa sa damo ang iniinom ay meron din namang capsule at meron ding in can. Tama ang nabasa mo, in can nga? Puwedeng mong inumin at bitbitin kahit saan. Bukod sa juice, meron din silang bio coffee at bio soy mill. Kaya’t ano pa ba ang hahanapin mo?

                 Kung ikaw ang tipo ng tao na health concious o gusto lang maging maginhawa ang pakiramdam, bakit ‘di subukan ang Wheatgrass Can?  Siguradong sisigla ang iyong katawan at sa anumang hamon, ikaw ay mapapa-Yes I can!

Para sa karagdagang imppormasyon, bumisita lang sa kanilang website, www.wheatgrasscan.com.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...