Maraming Pinoy ngayon ang nahuhumaling sa kultura ng Korea mula musika, tele-nobela, istilo ng buhok at pananamit. Siyempre pa, mawawala ba naman rito ang pagkain? Pero paano nga ba tayo makakatikim ng kanilang pagkain? Kailangan pa bang pumunta ng Korea? Hindi na kailangan pa dahil masyadong magastos kapag ganito ang gagawin. Ang magandang balita, dinala na ng Chef’s Noodles, isang Korean fast-dining restaurant ang pagkain ng mga Koreano sa Pilipinas. Kaya’t makakatikim na rin tayo ng kanilang mga pagkain na masasabi nating authentic ang lasa at hitsura pa lang ay sadyang katakam-takam na.
Ipinakita ng Franchise Director ng Chef’s Noodles na si Joel Cruz sa Blogapalooza, event ng mga blogger kung gaano ito kabilis gawin at sadyang napakabilis nga. Kaya’t kapag kakain ka sa Chef Noodles ay ‘di mo na kailangan pang maghintay ng matagal kagaya sa iba. Nangangahulugan lang na ‘di lang ang lasa ang kanilang prayoridad kundi ang kahalagahan din ng oras ng kanilang mga kostumer. Take note, ‘di hamak na mas mura lang ang kanilang mga pagkain kumpara sa ibang restaurant na naghahain din ng mga pagkaing Koreano.
Si Joel Cruz habang ipinapakita kung gaano kabilis ihanda ang kanilang pagkain
Ang kanilang Kimchi ay 50 pesos habang ang Tufu with chili sauce ay 50 pesos lang. Meron silang budget meal sa halagang 95 pesos lang kabilang na rito ang Kimchi Dupbap at Bibimpab. Kung nabitin sa kanin, 20 pesos lang ang extra rice! Bukod sa mga nabanggit na menu ay marami pang mapagpipiliang pagkain sa Chef’s Noodles at ito ay hindi tataas sa 200 pesos. Lahat ng pagkain dito ay dinebelop ng celebrity chef sa Korea na si Choi in Sun.
Chef Choi Sun
Sa kasalukuyan ay may pitong sangay na ang Chef’s Noodles at ito ay matatagpuan sa Kamaynilaan. Pero bago ito makarating sa ating bansa ay patok na patok na ito sa South Korea. Kung gustong matikman ang authentic na lasa ng mga pagkaing Koreano ay mabuting pumasyal sa kanilang restaurant. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang kanilang website: http://chefsnoodlephils.com
No comments:
Post a Comment