Hirap ka bang makatulog sa gabi? Pakiramdam mo ba ay magkakasakit ka na dahil sa kakulangan ng tulog? Baka naman hindi ka makatulog dahil sa sobrang pagod? Ngunit minsan ay hindi rin natin alam ang dahilan kung bakit naaantala ang ating mahimbing na pagtulog. Di man natin makontrol ang mga ito, may mga simpleng pamamaraan upang matulog nan maayos.
Iwasang kumain ng marami sa gabi. Sanayin ang sarili na kumain ng hapunan nang mas maaga, dalawang oras bago matulog. Ang mga mamantikang pagkain, maaanghang at acidic ay mahirap tunawin lalo na sa gabi at madalas na nagiging dahilan ng problema sa tyan at heartburn. Iwasan din matulog nang gutom dahil hindi ka mapapakali kapag sumakit ang tyan. Huwag din masyadong damihan ang pag-inom ng tubig dahil maaabala ang tulog sa pagpunta sa toilet. Iwasan din ang pag-inom ng alkohol at mga inuming may caffeine. Ang epekto ng mga nasabing kemikal ay matagal mawala na lubhang nakaaapekto sa ating pagtulog.
Kontrolin o iwasang ma-stress. Kapag masyado kang maraming ginagawa o iniisip ay siguradong hindi ka makakatulog. Para ito’y maiwasan, maging organisado sa lahat ng bagay. Unahing gawin ang pinaka-importante. Magpahinga kahit konti kapag nakakaramdam ng pagkahapo. Bago matulog, kinakailangan na i-relax ang isipan. At kung may kinakailangan pang gawin ay bukas na lamang isipin ang mga ito.
Siguraduhing nakakapag-ehersisyo araw-araw. Ang regular na pag-eehersisyo ay napakalaking tulong upang makatulog ng mabilis at mahimbing. Ngunit gawin ito sa tamang oras lamang. Huwag mag-eehersisyo kapag malapit ka ng matulog dahil magiging masigla ang iyong katawan kaya’t mahihirapang gumawa ng tulog.
Bawasan ang pag-tulog sa tanghali o hapon. Siguradong mahihirapan kang matulog sa gabi dahil dito. Kung hindi pa rin maiiwasan, umidlip lamang mula 10 hanggang 30 minuto.
Gawing kumportable ang kwarto. Karaniwan, mas gusto ng marami ay malamig, madilim at tahimik na paligid. Maaari ring gumamit ng room-darkening shades, earplugs at fan o aircon upang maging kumportable ang pagtulog.
I-relax ang sarili bago matulog sa gabi. Para ma-relax ay mag-shower ng maligamgam na tubig. Maaari ring magbasa ng libro at makinig ng malalamyos na tugtugin.
Gumawa ng sleeping schedule. Matulog at gumsing sa parehong oras araw-araw kahit weekends, holidays o sa iyong dayoff. Kpag nasanay ang iyong katawan sa ganitong routine ay hindi ka na mahihirapang matulog. Siguraduhin din na hindi ka masosobrahan sa tulog dahil hindi rin ito maganda sa pakiramdam.
No comments:
Post a Comment