Friday, February 15, 2008

Muslak

'Di ko na laam kung paano ako gumapang
Sa ibabaw at ibaba ng duyan
Manaluysoy sa magaspang na daan,
'Di ko na maalala ang unaang salita
Na namumkadkad sa bululing dila
At noong ako'y unang lumuha
Sa kawalang-muwang ng pagkabata.

Naalala kp pa nung una akong naagbisekleta
nang magasgasan ang tuhod at mga paa;
Laging nagagalusan sa unang pagssubok
Bawat hakbang ay pakikihamok
Pag-apak sa ibabaw ng gulok,
Naaalala ko kung paano nakipagpatentero,
Maglaro ng luksong baka't tumbang preso
Kung pano mandaya't daanin sa braso,
Gamitin ang kamao't maniko
O, batang sakdal-pusok at presko
ngunit minsa'y iyakin din ang loko.

Natutong magsulat ng alibata
Bumigkas ng mga taludtod ng tula
Mga katuruang gasgas na't lumang-luma
Ngunit 'di ko lubos na maaunawa
Namulat sa mundong nakakuwadro
sa ritwal ng buhay sa ilalim ng enstruwelo,
Sa gilid ng tulay ng malay
Mga kaisipang 'di ko maipaag-ugany
Nahihilo sa depenisyon ng samu't saring
perpektibang 'di mapagtagni
Walang magawa kundi iwaksi.

Kahungkaga'y kasahulan sa pang-unawa
Kasiraan laalo sa naparalisang diwa
Sana puso ko ay laging mabait na bata
Na ipinipintig ay pagkadakila
Ihele ako sa kawalang-muwang
(Ngunit 'di tulad ng baliw sa lansangan)
maging muslak sa kaligaligan,
Sa mundong puno ng kamunduhan
At panay salungatan
Ngunit ayaw kong tumakas
Sa pamamagitan ng baluktot na pagbalikwas.

Kung ang buhay ay panghuhuli ng tutubi
Sana'y 'di sinulid ang bigkis mula sa sarili;
kung ang buhay nama'y panghuhuli ng paru-paro
Mga bulag tayong nasasabuyan ng bolo,
Lumilipad tayo na parang alitaptap
May lagas na pakpak ng kulisap
Sinusugpa aang aapoyy ng liwanag
Upang sa huli'y 'di na makalapag
Nakikipag-ulayaw sa init at lamig
Na walang pansaplot o balabal sa dibdib
Kundi aandap-andap na pananalig.

Bawat gunita'y pagbabalik-aral
Bawat yapak paghawan ng sagabal
Sa daang mala-ubat ang sukal,
Sana buo pa rin ang diwa'thandang tumanggap
'Di napaglalalangan ng panghinagap,
Sana may pagkaunawa ng ganap
Sa walang hanggng paghahanap
Ng sariling identidad
Sa lipunang nagpapagana'y intekwalidad
Sa pagsulong tungo sa eternidad
Sa bulaang ganda ng hubad na siyudad.

Mabuhay silang mga 'di ipinanganak kahapon
'Pagkat diumano'y nuknuka ng dunong
Gayung 'di masagot nagsasalimbayang tanong
Heto't bukas ang diwang handang papukol
Upang ako'y ganap n'yong masukol
Ngunit muslak pa rin na parang sanggol
Pagka't lagi't laging nangingimbulo
Silang nagsasabing sila'y ubod-talino
Gayung nabubuhay pa rin sa pagsasalat
Nagdidildil ng asin na pagkaalat
Nalimutang sa kainosentehan nagbuhat.

Ah, sana'y 'di rin laging musmos ang pandama
Na 'di marunong magsuri datapuwa't sumasamba,
Na madaling masaling sa kurot ng pangamba
Nagagapi na tila nasaputang gagamba
Ibig kong pumailanlang sa kalawakan
Ng 'di maunawang katauhan
Sana'y lumawak pa itong pandalumat
maging sangkap ng gutom na panulat.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...