Tuesday, February 3, 2015

Pintura

      Tumitiyempo siya kung paano makakapagpuslit ng pintura mula sa pagawaan ng ceramics na kanyang pinagtatrabahuan. Isang maliit na lata lang naman ang gusto niyang iuwi. Hindi naman niya talaga kailangan ng pintura dahil wala pa siyang paggagamitan. Pero mabuti na rin ang makapagstock at baka may maisip siyang pinturahan. Puwedeng gamiting pang-vandalism sa pader.  Paano kaya siya makakpagpuslit e laging nakabantay ang ang kanyang amo? Bahala na, didiskarte na lang siya. Tutal pintura lang naman ang dudugasin niya.

    Oras na ng uwian. Pinauna muna niyang makaalis ang kanyang mga kasamahan sa trabaho. Hinintay muna niyang tumalikod ang amo sabay kuha ng pintura.  Saan kaya magandang ilagay? Hindi naman kasya sa bulsa. Wala rin siyang dalang bag. Mas lalong hindi puwedeng bitbitin na lang dahil baka mahuli pa siya. Isinuksok na lang niya ito sa harapan ng kanyang salwal. Ingat na ingat siya habang naglalakad dahil baka tumilapon ang pintura. ‘Di pa siya gaanong nakakalayo ay nabuksan ang takip ng pintura kung kaya't sumabog ito sa kanyang ari.Basang-basa tuloy ng pintura ang kanyang salwal, brief pati na rin ang damit.  Sobrang hapdi at ang init sa pakiramdam. Sa wari niya ay parang nalapnos ang kanyang kaselanan. Agad niyang itinapon ang lata ng pintura at mabilis siyang tumakbo papauwi ng bahay. Pagdating sa bahay ay pumunta agad ng banyo feeling niya para siyang babaeng dinatnan ng dalaw habang tinitingnan ang pulang-pulang pintura.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...