Kasalukuyang nasa gitna ng kontrobersya ang isang mall sa Moscow Russia na tinatawag na Electronic on Presne. Ito ay matapos silang magdisensyo ng doormat na kapareho ng bandila ng bansang Amerika. Base sa ulat. Ito diumano ay paraan ng kanilang protesta laban sa gobyerno ng Amerika dahil sa pambabatikos nito sa Russia. Di lingid sa kaalaman ng marami, na ang dalawang nasabing bansa ay mayroong alitan hinggil sa samu’t saring usapin.
Ang larawan ng anti-American doormat ay unang inupload sa Vhortahte, pinakamalaking social networking site sa Russia. Ang doormat ay inilagay sa pinaka-entrada ng mall. Hinihimok pa diumano ng pamunuan ng mall na tapak-tapakan ang doormat para malinis ang sapatos ng kanilang mga kostumer. Hati ang opinion ng mga tao sa Russia hinggil sa paraan ng pagpapahayag ng protesta ng pamunuan ng mall. May nagsasabing maganda itong hakbang para maipakita sa gobyerno ng Amerika ang kanilang saloobin. Mayrooon din namang nagsasabing sobra naman diumano ang ganitong gawain at mayroon ding nananatiling neutral hinggil sa nasabing usapin.
No comments:
Post a Comment