Mula noon hanggang ngayon ay patok na patok pa rin ang mga game show sa telebisyon. Katunayan ay dumadami pa nga ang mga ito. Nakaaaliw tingnan ang mga kalahok dahil punung-puno sila ng sigla habang sumasagot sa mga tanong. Maging ang mga nasa bahay lang at nanunuod lang ng telebisyon ay tila kasali rin sa programa. Nakikisagot din kasi ang mga ito. Kapag tama ang kanilang nasabi ay pakiramdam nila ay para na rin silang nanalo.
Kung may maganda mang epekto ang mga game show, ito ay pagtatamo ng premyo ng mga nananalo. Siguradong makatutulong ito sa kanilang pamilya lalo na't mahirap ang kumita ng salapi sa panahong ito. ‘Yun nga lang ay malungkot ito para sa mga hindi nanalo. Hindi rin naman kasi biro ang kanilang pinagdaanan, mula sa pag-a-audition hanggang sa eleminaton round. Pero ang maganda, kahit wala sa aktuwal na palabas ay maaari kang maging home partner o ‘di kaya’y sumali sa pamamagitan lang ng pag-text.

Kung may masama mang epekto ang mga game show, ito ay ang pagkasilaw sa salapi ng mga tao ayon na rin sa mga sociologist. Lalo na’t ito naman talaga ang pangunahing dahilan kung bakit sila sumasali sa ganito. Habang tumatagal ay tumataas din ang premyo sa mga game show at mayroon pa ngang umaabot na sa milyon! Ang sabi pa ng iba ay nakapagpapapurol din ito ng utak. Dahil ultimo bata ay masasagot ang tanong ng mga host. Maliban na lang doon s amga game show na ang sumasali ay mga professional dahil mahihirap ang mga tanong.
Hindi maikakaila na naging bahagi na ng buhay nating mga Pinoy ang pagkahumaling sa mga game show. Pero dapat isa-isip ng mga sumasali rito na isa lamang itong laro. Manalo o matalo dapat ay maluwag na tanggapin. Mali ring iasa rito ang ating mga kapalaran lalo na’t suwerte-suwerte lang ito.
No comments:
Post a Comment