Una isa sa pangkaraniwang dahilan ng panannakit ng ulo ay ang tinatawag na tension headache. Mapupunang tumitindi ang sakit ng ulo pagkatapos ng pagtratrabaho sa buong araw. Ito ay dahil na rin sa pagod na nararamdaman, ‘yun bang gusto mo nang magpahinga pero ayan at inaatake ka ng sakit ng ulo. Kung hindi naman ay kung may mabigat kang bagahe sa iyong utak na iniisip mo nang husto.
Ang isa pang dahilan ng pananakit ng ulo ay kapag mayroong hypertension ang isang tao. Para sa katulad nila, ito ay ginagawa nilang batayan kung muli na namang tumataas ang presyon ng kanilang dugo. Pero tandaang hindi lahat ng may hypertension ay nakararanas ng pananakit ng ulo.
Maaari ring maging sanhi ang pagkakaroon ng malabong mata. Kasi sa panahon ng pagbabasa ay hindi maiiwasang may maliliit na letra na kailangang basahin kaya ang resulta ay sumasakit ang ulo. Kaya para hindi lumabo ang mata iwasan ito lalo na ang pagbabasa ng madilim dahil siguradong sasakit ang ulo mo. Ang pagsusuot din ng salamin sa mata ng may mataas na grado ay nakasasakit ng ulo.
Ang pinakamalalang dahilan ng pagsakit ng ulo ay kapag mayroon kang migraine. Sinasabing ang sakit na ito ay namamana at walang pinipiling oras kung umatake. Puwedeng tumagal ang atake ng migraine mula isa hanggang tatlong araw. Posible ring makaranas ng pagsusuka dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman. Ang kababaihan ang madalas na magkaroon ng sakit na ito at nagsisimulang maramdaman sa edad na labing tatlo pataas. Ang labis na pag-alala, tension at galit ay puwedeng maging sanhi ng pagsumpong ng migraine. Kaya’t importanteng magpigil ng emosyon ayon na rin sa mga eksperto. Kapag sinumumpong dawn g migraine iwasan daw ang paghiga dahil titindi lang ang sakit ng ulo. Mababawasan ito kapag nakaupo o nakatayo.
Maaaring makatulong ang pag-inom ng paracetamol para sa simpleng sakit ng ulo. O ‘di kaya’y ang pagdampi ng maligamgam na tubig sa noo at ang pagpapamasahe rito. Makatutulong din ang pagpapahinga at ang maayos na pagdadala ng problema. Pero ang pananakit ng ulo ay maaaring sintomas lamang ng iba pang sakit. Mayroon pa diumanong mas malalim pang dahilan kaya’t dapat itong siyasatin at huwag ipagwalang-bahala.
No comments:
Post a Comment