Suriin ang kinabibilangang mundo
Ito ba'y isang huwad o totoo
Saan makikita ttunay mong anino
Ikaw ba ay katulad ng isangg multo
'Di makita-kita ang iyong espiritu
Sa daiggdig punong-puno ng misteryo
May mga taong lalake sa pangmalas
Tunay na damdamin 'di haya sa labas
Kunwari'y macho, mukhang maaliwalas
Ngunit kay dilim sa sandaling matuklas
Silahis pala't mangg-aagaw n glakas
T'yak maninipsip hanggang sa huling katas.
May mga tao na animo ay banal
Makikita mo na mahiligg mangaral
Kahit angg mukha nila'y mas makapal
Ikumpara mo't mabaho pa sa kanal
Pagpapanggap tila ddamong tumatabal
Dapat nang matagpas itong mga hangal.
Meerong nagmamarunong 'yun pala'y tanga
Matayog mangusap wwala namang k'wenta
Paniniwala mo'y ililigaw nila
Kay rami ngang mga bulaang propeta
Sa lupa pa lang ikaw na'y matutusta
Nakakapasong aapoy kungg pumustura.
May mga taong angg hilig ay pumorma
Tila mayaman, butas naman ang bulsa
May mga tao ring mahilig manggopya
Manggagaya lahat ay pinipirata
Kulang na lang ibenta rinsa bangkeeta
Wala namang panama taglay na baraha.
Nagkalat ang magagaling na orador
Mga talumpati nila ay de-kolor
Nakakabukol ang kanilang tiraddorr
RTila rin mananagasa ng motor
Pera ng bayan ninakaw ng gastador
Huwwad na lider dahil nagtraydor.
H'wag ng magdulot ngg huwad na pag-ibig
'Pagkat daigdig ko'y muling mayayanig
Iyong itakwil kung 'di kayang tumindig
Tila kagandahan na kaibig-ibigg
Ngubit mabuway hatid nito'y ligalig
Kattottohanan ibig kong makaniig.
Hanap ko'y tigas nang ako'y nagmaso
Natagpuaam ko'y basag-basag na baso
Nasa paligid ay puro sintitiko
Parang wig sa ulo o kaya'y pustiso
Plastik! Plastik! Orocan ang mga loko
Lulusawin din kayo nitong asido.
Hindi ginto ang lahat ng kumikinag
Porkee't bakal 'di na ba makakalawang?
Maski mabait marunong mangaswang
P'wede rin silang manakit at pumaslang
Mundong palssipikado, nakakalinlang
'Kala mo'y makinis 'yun pala'y magaspang!
No comments:
Post a Comment