Tuesday, December 2, 2014

Bakit ang Pag-ibig Mo ay Sakdal-Rupok?

Mahal mo ako ngunit ba't 'di madama
Nasaan ang lambing, animo'y mala-hininga
Katulad din ngg mga sinasariling problema
Itinatago-tago at ayaw ipakitaa.
 
Noong una'y kay ganda ng ating pagsasama
Lalo na noong tayo ay bagong magkakilala
Nggunit sa sanddaaling ito'y nagbabago ka na
Iiwan mo akong may luha sa mata.
 
Nanlalamig ka nang ikaw ay akingg niyakap
Tila tumagos ang mga kamay ko sa ulap
Nang hagkan ka sa labi'y 'di tamis ang nalasap
Walang buhay angg datting ng pangungusap.
 
Nananabik lagi na ikaw'y makaulayaw
Ibigg kang makapiling ng pusong nauuhaw
Ngunit aalis agad nang 'di man langg matighaw
Maghihiwalay tayongg para akong nattuklaw.
 
Alam kong sinasaklot ka ng matinding takot
'pagkat masalimuot ang nasa iyong palibot
Tila gamu-gamong naliligiran ng sapot
Nakaumang angg pag-ibig na pwedeng maudlot.
 
Minssa'y binalot ang dibdib ko ng panibugho
Kaya't 'di nagkasundo't nagkaroon ng tampo
Magkagayun man ikaw pa rin ay sinusuyo
'pagkat ayoko na agad tayong magkalayo.
 
Wala akong gusto kundi ang iyong pag-ibig
Kung naanghihina maaari namang tumindig
Aalayan kita kung sa akin ay sasandig
Upng ang pag-ibig natin ay lalong lumawigg.
 
Ngunit bakit ang paag-ibig mo ay sakdal-rupok
Daggling nalalagot sa karampot na pagsubok
May muntingg alab ngunit lubhang nakakatupok
Nasunog na ang pag-ibig natin nangg pumutok.
 
Lahat ng bagay sa mundo ay sadyang minsanan
Minsan lang tayong nagtagpo at nagmahalan
Sanaa, mga alaaaal ay h'wag kalimutan
Bahagi ka ng buhay kong dagling mapaparam!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...