Mainit sa mata ng CBCP at ng ilang relihiyosong grupo kasama na rin ang Department of Justice ang Ashley Madison, isang dating site na naghihikayat na mangaliwa sa mga tao. Sinabi ng pamunuan ng CBCP na ang Ashley Madison ay hindi dapat makapag-operate sa Pilipinas dahil nanghihikayat lamang ito ng imoralidad. Taliwas ito sa itinuturo ng simbahan o ng biblia na maging tapat ka dapat sa iyong asawa. Sinabi ng mga pari, ‘yun nga lang magnasa ka sa ‘di mo asawa ay kasalanan na, ito pa kayang pakikiapid na isinusulong ng naturang dating site. Hinihingi pa nila ang tulong ng Telcos para mai-block ito.
Ang site na ito ay itinatag sa Canada at sa kasalukuyan ay sinasabing mayroon nang mahigit 30 million members. Naging kontrebersyal ang site na ito dahil na rin sa kanilang tema. Ang tag line nila ay nagsasabi nang “Life is so short. Have an affair” at ito ay kanilang isinalin sa wikang Filipino, mababasa na “Maiksi ang buhay. Mangaliwa.” Kamakailan nga lang ay ipinahayag ng pamunuan ng Ashley Madison na nakabukas na ang kanilang site para sa mga taga-Pilipinas.
Libre lang ang pagrehistro sa Ashley Madison. Kaiba ito sa ibang dating site na nakalaan lang para sa mga single. Pero ito, ang puntirya nila ay ang mga may asawa, pero hindi kuntento sa kanilang mga partner. Magkakaroon lang bayad ang site kapag nag-umpisa ka nang makipag-chat sa kanilang mga miembro. Sinisiguro diumano ng pamunuan ng site na ito na maitago ang identy ng kanilang mga miembro para hindi mahuli ng kani-kanilang mga asawa.
Maging ang Gabriela, samahan ng nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan ay nagbigay ng kanilang reaksyon hinggil sa Ashley Madison. Nakababahala diumano ang pagbubukas nito sa bansa kaya’t pag-aaralan nila kung hihilingin din nila na kung dapat ba itong i-block ng gobyerno o hindi.
Sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon ang pamunuan ng Ashley Madison tungkol sa mga grupong humihiling na i-block ang kanilang site rito sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment