Sa panahon ngayon na kung anu-ano’ng sakit ang nagkalat ay dapat tayong maging maging aware sa ating life style. Magtataka ka na lang kung bakit kahit marami kang kinakain ay ‘di ka pa rin malusog. Ang pagiging malusog ay hindi nakikita sa pagiging mataba ng isang tao kundi nasa lakas ng kanyang resistensiya. Kaya’t narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa pagtatamo ng malusog na pangangatawan at para na rin makaiwas sa sakit..
Kinakailangang bawasan ang pagkain ng karne. Mas maganda kung kakain tayo lagi ng sariwang gulay at mga prutas. Pero mainam kung ito ay organic o yaong mga gulay na hindi ginamitan ng pesticides. Inaalis kasi ng pesticides ang sustansya sa gulay at prutas. Ayon pa sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa medisina, ang pesticides ay isa sa dahilan ng pagkakaroon ng kanser ng mga tao. Karaniwang naapektuhan nito ay ang mga nagtratrabaho sa plantasyon ng mga prutas o gulay na ginagamitan ng aerial spray. Ang paghuhugas ng gulay at prutas ay hindi kasisugaruhan na wala naalis na rito ang pesticides.
Iwasan din ang mga pagkain at inuming mayaman sa acids tulad ng carbonated soft drinks, artificial sweeteners, cakes at pastries, beef, lamb, chicken, beer, wine at liquor, banana ketchup, mayonnaise, mga pagkaing gawa sa gatas, nilagang itlog, table salt, atpb. Ang kailangan natin ay mga pagkaing mayaman sa alkaline tulad ng watermelon, mango, papaya at mga gulay tulad ng broccoli, cabbage, cauliflower, lettuce, potato na may balat, squash, eggplant, okra, tomato at egg yolk na di-gaanong luto.
Kapag kumakain ay nguyaing mabuti ang pagkain nang sa gayun ay mahulong mabuti ang pagkain at digestive juice sa bibig at siyempre para madali itong matunaw. Kapag prito ang ulam ay huwag itong sobrahan sa pagkakaluto. Dahil bukod sa mahirap ng tunawin ay wala na itong sustansiya, Mas mainam ang mga pagkaing half-cooked dahil nagtataglay ito ng maraming sustansiya na madaling higupin ng ating katawan.
Kaakibat din ng pagkakaroon ng malusog na katawan ang pagkakaroon ng tamang bowel movement. Para makamtan ito ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng papaya, spinach, wheat bran atbp. Nililinis kasi ng fiber food an gating intestine. Nilalabanan din nito ang pagkakaroon ng mataas na cholosterol sa loob ng katawan. Nililinis din nito ang toxins sa loob ng atinmg katawan. Siyempre, ang pinakamagandang epekto epekto ay nagiging regular ang ating pagdumi.
Ugaliin ding mag-ehersisyo dahil napapabuti nito ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan. Bukod pa rito ay pinapaganda rin ang daloy ng paghinga. Sa pamamagitan din ng ehersisyo ay pinapalabas nito ang epinephrine at neurotransmitter na tumutulong para maging alerto at maging malinaw ang ating isipan. Kung ikukumpara ay mas malalakas ang resisitensiya ng mga taong nag-iihersisyo kasya sa mga ‘di nag-iihersisyo.
Bukod sa mga nabanggit ay kinakailangan din ng sapat na pahinga. Dahil sa stress pinapadami lang nito ang free radicals sa loob ng ating katawan. Nagiging sanhi din nito ng pagkaubos ng sustansiya sa ating katawan at nagreresulta sa panghihina ng ating katawan.
No comments:
Post a Comment