Ngunit maaari namang ito ay maiwasan kung tayo lang ay mag-iingat. Dapat ay laging malinis ang isinusuot na medyas at sapatos para ‘di manahan ang bakterya sa mga paa. Huwag ding magsusuot ng basang sapatos at medyas. Kung puwede nga lang ay huwag nang mag-medyas para mahanginan ang mga paa. Siyempre, huwag gumamit ng sapatos at medyas ng iba. Hindi maganda na nanghihiram ng ganitong kagamitan, dahil ‘di mo alam na marumi pala ang paa ng taong gagamit ng iyong sapatos. Para rin itong tuwalya na hindi dapat ipinapagamit sa iba, para na rin sa personal hygiene.
Huwag ugaliing ibabad ang mga paa sa basa. Kapag galing sa baha ay hugasan at sabunin ang mga paa. Kinakailangan din na laging may suot na tsinelas lalo na kapag nasa banyo. Dahil ‘di mo alam na kung ano’ng klase ng mikrobyo ang kakapit sa iyong mga paa.
Kung sakaling nagkaroon na ng alipunga ay marami namang mga halamang gamot na maaaring gamitin para mawala ito. Nariyan ang baging ng makabuhay, akapulko, bulaklak ng kamantigue, balanoy, labanos at bawang. Madali lang naman ang proseso, kinakailangan lang na dikdikin at katasin ang mga ito saka ipahid sa alipunga. Bukod sa mga halamang gamot na nabanggit ay marami rin namang mabibiling mga fungal cream para rito. Pero mas maganda na rin ang nag-iingat para ‘di na magkaroon pa nito. Alam naman nating ,ahirap ang mgakaroon ng alipunga. Lalo na’t an gating mga paa ay siyang pinakapundasyon ng buo nitong katawan dahil ito ang ating ipinapanlakad
No comments:
Post a Comment