Mga dapat tandaan tungkol sa Vitamin C:
!. Ang Vitamin C ay natutunaw sa tubig. Hugasan ng malinis na tubig ang gulay at prutas bago talupan o hiwain. Iwasan din ang pagbabad sa tubig.
2. Ang Vitamin C ay madaling natutunaw sa mga unang minuto ng pagluluto. Gawing maigsi ang pagluluto ng gulay. Iluto sa lalagyang may kaunting tubig lamang. Gamitin ang tubig na pinaglutuan ng gulay o prutas sa pagluluto ng sarsa at iba pa.
3. Ang pagkawala ng Vitamin C ay puwedeng dahil din sa maling paraan ng pagluluto.
Sa pananaliksik ng mga dalubhasa tungkol sa ampalaya, petsay, talbos ng kamote, malunggay at repolyo napag-alaman na sa gulay na iginisa ay malaking porsyento (73.98%) ng Vitamin C ang naiiwan sa gulay. Samantalang sa gulay na binuhusan ng mainit na tubig o pinakuluan ay kaunting porsiyento (46.84%) lang ang nakukuhang Vitamin C sa gulay. At ang pagkain naman ng hinog na papaya sa almusal ay nakatutulong sa paggamit ng iron na kailangan ng ating katawan.
No comments:
Post a Comment