Sa modernong panahon, hindi na kataka-taka ang pagpapatakbo ng sasakyan na ang ginagamit ay kuryente imbes na gaas. Siyempre, nangunguna na rito ang mga tren ng LRT at MRT na kayang maglulan ng kung ilang libong katao sa loob ng isang araw.
Hindi pa nga lang gaanong kalat ang mga sasakyang de kuryente dahil ang sektor ng transportasyon ay nakadepende pa rin sa paggamit ng gaas. Kaya’t kapag nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamihilan ay apektado ang lahat. Nagiging sanhi pa nga ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilijin. Ang iba ngang mga drayber para makatipid ay LPG ang inilalagay sa kanilang mga asakyan para umandar. Kahit alam nilang may kaakibat itong panganib kapag hindi naging maaayos ang pagkakakabit.
Mayroon na rin namang mga electric motor bike na mabibili sa ilang tindahan ng motorsiklo sa bansa. Kahit nga kotse ay mayroon na rin. Ngunit lubhang kakaunti pa lang ang mga kumpanyang gumagawa nito dahil sa ‘di pa naman malakas ang demand. Pero posibleng darating din ang araw magiging karaniwan na lang na makikita ang mga ito sa kalye. Katulad sa cellphone, kailangan din nito ng charger para magkaroon ng power. Kung bilis lang ang pag-uusapan ay hindi rin pahuhuli ang mga ito sa de gaas na sasakyan. Ang maganda sa ganitong uri ng sasakyan, dahil walang ibinubugang usok ay environmental friendly ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay mayroon electronic jeep na bumibiyahe sa lungsod ng Makati na nagsimula pa noong Hulyo 2007 pa unang bumiyahe. Ito ay proyekto ng GRIPP(Green Renewable Independent Power Producer) at sinasabing kauna-unanhang pang-public transport na electric vehicle sa Southeast Asia.
Bukod sa Makati ay mayroon namang electric van na bumibiyahe sa lungsod ng Quezon. Pero hindi ito pampasada kundi naghahatid at nagsusundo ng mga tao na papunta sa Ali Mall hanggang Gate Way o ‘di kaya’y vice versa mula Gate Way hanggang Ali Mall. Para makasakay ay kinakailangan mo lang pumila at maghintay. Hindi ito pang-karaniwang van na alam natin na may pintuan. Ito ay walang harang kaya’t madaling makasasakay ang mga pasahero. Malaking ginhawa ito para sa mga namamasyal sa Cubao dahl ‘di na nila kailangan pang maglakad ng malayo para lang magpalipat-lipat sa iba’t ibang establisiyemento sa naturang lugar.
O, ano pang hinihintay n’yo? Tara, sakay tayo sa de kuryenteng biyahe!
No comments:
Post a Comment