Saka merong umbok ng papaya
Si Tisay may dugo ng mestisa
Kahit ina n'ya ay mala-negra.
Ang katawang kulay porselana
Mala-kristal, mahinang plorera
Nagkalamat nang s'ya'y madisgrasya
Maging mayaman kanyang pantasya.
Buhat sa angkan ng maralita
Kaya't ang buhay sadyang kay pakla
Para lang naglalaro ng sakla
Ang matalo, manalo't madaya.
Pangarap n'yang maging artista
Pero sa birhaws lamang napunta
Tinalupan ng panti n'ya't bra
Sumasadlayn pa bilang 'sang puta.
Lalong pinaalindog ang bulbol
Kahit ito'y magkabuhol-buhol
Sa bawat gabi napaparool
Habang siya'y nakikipagdunggol.
Pinalandi ng ginto at pilak
Kanino ba ang huling halakhak?
Kundi nasa mga ngiting manyak
Habang sa sakit ay naiiyak.
Noon ang kulay mo'y nagniningning
Sa isang iglap naging maitim
'Pagkat nasadlak sa linsil-dilim
Ilaw-dagitab ang tanging angkin.
Ngayon si Tisay biglang natuyot
Tila tuyong dahong nalamuyot
Sinalaula ng mga dugyot
Sa lipunang bastos at balakyot!
No comments:
Post a Comment