nila'y nagsipaglundag
Sabay pag-akyat sa lalamunan ng bayag
Gumulong ang pira-pirasong kristal na bote
Napatulala tila mga inosente
Gayung mga bagamundo't saragate.
Humirit ng istorya ang isang mama
Noon daw ay umulan ng bubog at bumaha
Languyan ng lolo niya'y bubog na sapa
Aniya'y sumpa ng galit na diwata
Umulan ng bubog sa paglaho ng bituin
Saksi ang buwan at ang mainit
na ihip ng hangin
Umulan ng bubog na sumugat
sa kanilang bunbunan
At mga kinalyong talampakan
Habang nagdurugo ang isipan.
Ngunit araw-araw ay umuulan ng bubog
Sa bawat daanan maraming natatalisod
Mga bubog na 'di nakikita
Sumusubyang sa himaymay ng kaluluwa
Lumiligwak ang puting dugo
Na pamana ng mga unang ninuno
Habang ang mga sarili ay nilalango
Sa likhang-alak nagpapakalango
Nagkalat ang mga bubog na kay tulis
Na simbolo ng pagkagahis.
No comments:
Post a Comment