Sino ba naman ang hindi makakakilala sa National Bookstore, ang pinakamalaki at pinakamalawak na tindahan ng libro sa bansa. Ngunit alam ba ninyong ang simula ng NBS ay napakapayak? Kasing payak din ng pinagmulan ng may-ari nitong si Socorro Cancio Ramos o mas kilala bilang Nanay Coring.
Si Nanay Coring ay nagmula sa mahirap na pamilya kaya't nang bata pa lang ay tumutulong-tulong na siya sa kanyang ina at lola para magtinda ng suka, saging, bakya at iba pa, sa may palengke ng Sta. Cruz, Laguna. Noong nag-aaral pa siya, kapag bakasyon ay pumapasok din sa iba't ibang uri ng trabaho. Nang makatapos ng haiskul ay naging tindera siya ng Goodwill Bookstore sa may Escolta, na pagmamay-ari ng kanyang kapatid na lalaki at hipag. Dito na rin niya nakilala ang kanyang napangasawa na kanya ring naging business partner. Itinayo nilang mag-asawa ang NBS, may sukat na 4x10 square meters sa may malaking shop malapit sa Escolta bridge. Namuhunan sila ng 120 pesos at nagsimulang magtinda ng school supplies at textbooks.
Noong masakop na ng mga Hapon ang Pilipinas ay nag-iba sila ng paninda gaya ng sabon, kendi, tsinelas at whisky bunsod ng paghihigpit ng mga Hapon laban sa mga hinihinala nilang mga subersibong libro. Naging maganda naman ang takbo ng kanilang negosyo subali't nasunog ang buong Escolta nang bombahin ito ng mga Amerikano. Ngunit hindi nasiraan ng loob sina Nanay Coring; tulad ng ibong phoenix ay nabuhay ang NBS kahit pa naabo. Itinayong muli ito sa may panulukan ng Avenida Soler.
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran; makalipas lang ang tatlong taon ay winasak ng malakas na bagyo ang kanilang tindahan. Siyempre nabasa at nasira ang kanilang stocks. Gaya ng dati hindi sila natinag ng mga 'di magagandang pangyayari. Ang umaayaw nga naman ay hindi nagwawagi. Sa ikatlong pagkakataon ay itinayong muli ang NBS nang mas malaki pa. Dahil sa pagsisikap ni Nanay Coring at ng kanyang asawa ay nagtutuloy-tuloy sa paglago ang NBS.
Sa ngayon, ito ay mayroon ng 85 branches sa buong kapuluan at gusto pa nila itong paabutin hanggang 100 branches o higit pa. Ang nakakabilib pa ay family owned business ang NBS dahil hindi sila nagpapa-franchise. Ang pamilya din nila ang nagmamay-ari ng POWERBOOKS. Kahit na 83 anyos na si Nanay Coring ay personal pa rin niyang pinamumunuan ang NBS. Wala siyang balak magretiro tutal nag-ienjoy naman daw siya sa kanyang ginagawa.
11 comments:
this is ms. villamin an intermediate teacher. i wish to ask your permission if i can use this blog as a story in one of my lessons. thanks!
Definitely yes, ma'am.Thanks.
meersystemnote;ich weib nicht.
pwede ko po ba gmitin ito sa aking project?
Pwede po. Salamat sa pag-abiso.:)
can i use it in my project? i will get some information about her in your blog.tnx.
i really love the story behind the success of the NBS..pls allow me to use this one for my output..thank You so0 much!
Can I use this for my assignment??
Can I please use this as a subject for my assignment ?? please can I ??
Sige Knioole, no problem :)
Post a Comment