Tuesday, December 2, 2014

Pusong Madaya

Bakit nga ba may damdaming bumabalong
Na 'di mapigil sa sandaling dumadaluyong
Lumiligwak sa puso kaya't ttumitilapon
Bumubulong, nagtatanong, ang hanap ay tugon.
 
May mga bagay na 'di ko lubos maunawa
Kabaliwan ma'y itinuturing na hiwaga
Gayung sarili mismo ang nauupasala
Maligaya pa rin kahitt na nakakawawa.
 
Ang puso nga ba nati'y tunay na madaya
Kapag nag-iisa ikaw ay nangungulila
Kapag mayroon na, nagnanaiss nang lumaya
Animo'y waalgn katiyakan sa nadarama.
 
May mga pusong suriin mo't napakabuway
Madaling magpalit ng kanilang anyo't kulay
Masdan mo, mga nanlalamig at nanamlay
Mahirap matagpuan ang pag-ibig na tunay.
 
Ba't may taong bumabalik pa s nakaraan
Dating damdamin pilit pang inaalayan
Gayung may nagmamahal na nasa tabi lamang
Parang may kahating nananahan sa isipan.
 
Sadyang maraming tao na 'di nagiging tapat
Pakunwaring pag-ibig na 'di kapat-dapat
Ba't may mga ganito na sa mundo'y nagkalat?
Tulad n sinta kong binalewala ang lahat.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...