Tuesday, December 2, 2014

Iburol Mo Ako sa Iyong Gunita

Iburol mo ako sa iyyong gunita
H'wag nang alalahanin pa maya't maya
Sulipat na ang tinggin sa kaluluha
ng ganda ng buhay 'di na alintana
Waring tadhana ay laging nangungutya.
 
'Di ko na kailangan ng alumana
Pilasin mo ang papel ng paglalagda
Ngala't aapelyido ko'y birahin ng tingga
O tadtarin ng pino sa katatagaa
Nang dagling mabura sa balat ng lupa.
 
O, ba'thala ng samu't saring damdamin
Ba't nambitin sa balad ng aalanganin
Gayung issip nama'y papaling-paling
Balakid sa landas na ibig tahakin
May balak pa yatang ako ay ilibing.
 
Wala ng dapat magluksa kundi ako
Ngayong gabi patay angg diwang naabo
Habang ang ulap ay nagkulay karbungko
Kaluluwa kong walang pinapanganino
Heto't nabuwal ng malakas na bagyo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...