Matagal ng panahon na ikaw ay hinuhusgahan
Napakasama ng tingin sa iyo ng sanlibutan
Tinatawag na hudas ang nagtataksil na sinuman
Gayung sa kasalanan nilay wala kang kinalaman
Idinawit nila ang ngalan mo sa kagaguhan.
Bagamat naging napakabigat ng pagkakasala
Ipinagkanulo si Cristo nang narito sa lupa
Napili ka lang at ito ang talagang nakatakda
Kayat sa kaibuturan ng puso ay di masama
Dahil sa yo nagkaroon ng katuparan ang hula
Nagkaroon ng kaligtasang puwedeng matamasa.
Di ka rin masisisi dahil sinapian ng diablo
Nasulsulan at nasuhulan ng mga kawal-Romano
Ang tunay na taksil ay yaong mga Paraseo
Pati na rin ang mga nagsipagtalikod na Hudyo
Pagkat silang nagpapatay sa Mesiyas na sugo
Ipako sa krus! Ipako sa krus!, sigaw ng mga lilo.
Di bat noon si San Pabloy kaaway ng Kristiyanismo?
Minsan ding itinatwa si Cristo nitong si San Pedro
Nang nabihag si Cristo walang tumulong kahit sino
Iniwan syang mag-isa sa kamay ng mga berdugo
Takot na takot sila kayat ang ginaway nagtago
Ngunit pinatawad ng Diyos na lubhang maamo.
Marami sa atin ang matigas at nagmamalinis
Kunwariy tapat yun pala ay iba ang ninanais
Puno na ng putik, sasabihin pang wala raw dungis
Sisirain ang pangalan mo dahil sa katsistismis
Gayung ang sariling puwing ay di man lang nilinisS
amantalang si Hudas ay nagsisi pat sabay tangis.
Kung si Hudas ay napakasama di na sana nagbigti
Ang nakuhang pilak di na rin sana isinauli
Pagkat ang totoong masamay manhid at walang budhi
Wala itong puso at pagsisisi kahit kaunti
Sa kanyang sarili ay inamin ang pagkakamali
Kayat si Hudas ay bayani sa ayaw man at hindi!
No comments:
Post a Comment