Nobyembre 18, 1978 nang gulantangin ang buong mundo dahil sa sabay-sabay na pagpapakamatay ng may 913 na miyembro ng People's Temple na pinamumunuan ni James Warren Jones o Jim Jones. Ito ay sa pamamagitan ng pag-inom ng juice na may halong lason. Samantalang si Jones ay nagbaril sa kanyang ulo. Kabilang sa mga namatay ay ang mahigit 200 na bata.
Ang People's Temple ay naitatag noong taong 1955. Maraming naakay si Jones na sumali sa kanyang samahan dahil sa magaling itong magsalita. Ipinangaral niya sa mga tao ang 'social gospel' na nagtuturo sa pag-ibig, pagkapantay-pantay at pagkakaroon ng kalayaan. Itinakwil niya ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga lahi. Katunayan nagsimula ang kanyang grupo bilang tagapag-kupkop ng mga may sakit, walang trabaho at ng mga walang tirahan. Sabi nga ng iba masyadong liberal at radikal ang pag-iisip ni Jones at may bahid ng Sosyalista at Komunista ang kanyang doktrina.
Ayon kay Jones ang mundo ay punong-puno ng diskriminasyon, kawalan ng edukasyon, kahirapan atbp. Para makatakas sa kuko ng kapitalismo ay lumipat ang grupo ni Jones sa Guyana para doon itatag ang isang ideyal na lipunan na kanyang ipinapangaral. At ang kanilang lugar ay tinawag na Jonestown.
Ngunit nagreklamo ang mga kaanak ng mga miyembro ni Jones sa gobyernong US. Nabrain wash lang daw ang mga ito at gusto nilang ialis sila sa animo'y mala-concentration camp na kanilang kinalalagyan. Gumawa naman ng aksyon ang gobyerno at pinapunta nila si California Congressman Leo Bryan para tingnan ang kalagayan ng mga taga-Jonestown. Kasama niya sa naturang biyahe ang ilan niyang kapartido. Doon nga ay kanilang kinapanayam ang ilang mga miyembro ng People's Temple.
Unang araw pa lamang nila doon ay mayroong mga miyembro na nagbanta para sa kanilang kaligtasan. kaya't nagpasya ang kongresista na umalis na lang agad sa Jonestown bago pa mangyaring masama sa kanila. Sumama sa kanila ang ilang miyembrong gusto ng tumiwalag sa grupo. Sakay na sila ng eroplano ng pagbabarilin ito ng mga masugid na taga-sunod ni Jones. Patay ang apat na katao kabilang na rito si Ryan.
Nag-alala si Jones na kapag natuklasan na ng gobyerno ang kanilang pagpatay sa kongresista at sa mga kasamahan nito ay hindi na nila maipagpapatuloy pa ang kanilang komunal na pamumuhay. Kaya kinumbinse niya ang kanyang mga miyembro na sabay-sabay silang uminom ng lason.
Ayon sa ilang observer ng panahong iyon ay hindi sana ito amngyayari kung hindi pinakialaman ng gobyernong US ang gawi ng pamumuhay nina Jones. Ngunit sa palagay naman ng iba ito na rin ang paraan ng kanilang pagtakas sa mundong puno ng inhustisya.

No comments:
Post a Comment