Sunday, February 10, 2008

Ed Gein: Mangangatay ng Bangkay


Si Gein ay issinilang noong 1906 sa Plainfield, Winconsin, USA. Siya ay mayroon lamang isang kapatid na lalake at may inang dominante. Lumaki siya sa bukid, noong panahon ng kanyang kabataan ay hilig na niyang mapag-isa at naging ugali na niya ito hanggang sa pagtanda. Kaya naman nabansagan siya ng mga nakakakilala sa kanya na isang weirdo dahil bibihira lamang makisalamuha sa mga tao. Nang mamatay ang kanyang kapatid at ina ay ibinandona niya ang pagtratrabaho sa bukid para mamasukan sa mabababang uri ng trabaho.

Hilig na ni Gein ang magbasa ng libro tungkol sa atonomy at dito nagsimula ang kakatwa niyang gawain. Isang araw ay niyaya niya ang isang kaibigan na tulungan siyang hukayin ang isang nitso sa may sementeryo sa kanilang lugar para kanya raw mapag-aralan. Pinaunlakan naman siya ng kanyang kaibigan. Hinukay nila ang bangkay ng isang babae na nabubulok na. Mula noon ay palagi na itong nagpupunta sa sementeryo para manguha ng bangkay.

Pagdating sa bahay ay pinagputiol-putol nito ang iba't ibang bahagi ng katawan ng patay. Bukod doon ay kinukuha niya ang buituka, atay, puso at iba pa. kapag trip niyang kainin ang lamang-loob ng tao ay kinakain niya.Ang matindi pa sa kanya ay gumagawa siya ng damit na gawa sa laman ng tao at habang suot niya ito ay sumasayaw-sayaw pa siya sa loob ng kanilang bahay. Ayon sa kuwento, mayroon daw obsesyon si Gein na maging babae. Pati nga raw ang bangkay ng kanyang ina ay nagawa ring hukayin para ibilang sa kaniyang koleksiyon.

Ngunit hindi lamang nakuntento sa pagkuha lamang sa mga bangkay si Gein dumating ang araw na mayroon itong pinatay na dalawang matandang babae. Ito ay sina Mary Hogan at Bernice Warden, parehong nasa singkuwenta anyos. Mayroong hinala ang anak ng ikalawang biktima na si Frank Worden na may kinalaman si Gein sa pagkawala ng dalawang matandang babae.Kaya't nagpasya itong pumunta sa bahay ni Gein kasama ang isang sheriff. wala roon si Gein at pinasok nila ang kanyang bahay. Doon tumambad sa kanila ang nakakarimarim na tagpo. nasa labinglimang bangkay ng babae ang natagpuan nila sa bahay ni Gein kasama ang bangkay na kanilang hinahanap.

Nakalagay sa lamesa ang iba't ibang parte ng katawan ng biktima ni Gein.ng bungo ng tao ay ginawa pa nitong soap bowl. Samantalang ang kamanito ay mayroong mga bungo sa paligid. Pagbukas nila sa refrigerator ay punong-puno ng lamang-loob ng tao. Halos 'di makapaniwala ang dalawa sa aknilang nasaksihan at masuka-suka dahil sa tindi ng amoy ng mga bangkay!
Nakulong si Gein ng sampung taon sa mental hopsital bago mahatulang guiltty sa kasong murder at paglapastangan sa mga bangkay. Isinasangkot din siya sa mga pagkawala ng mga babae sa kanilang lugar ngunit ang napatunayan lang ay ang pagpatay niya sa dalawang matandang babae. Sa loob na ng kulungan namatay si Gein sa edad na 78.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...