Sunday, February 10, 2008

Simbahan ni Satanas


        Dito sa mundo hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon salungatan kahit sa anumang bagay. Gaya na lamang sa relihiyon na mayroong iba't ibang uri. mayroong Islam, Budismo, Kristiyanismo at iba pa. Ang mga relihiyon ay nagtuturo ng kabutihan at kung paano mapapataas ang moral ng isan gtao. Pero paano kung ang isang samahan ay sa demonyo naniniwala at ito ang kanilang sinasamba?

      Alam ba ninyong mayroong pandaigdigang samahan ang mga Satanista at ito ay nag-ugat sa Amerika. Ito ay ang First Chuch of Satan na itinatag ni Anton Szandor Lavey noong Abril 30, 1966. Si LaVey rin ang naging kauna-unahang high priest sa kanilang simbahan.

     Ayon sa kuwento sinimulan diumano nito ang ritwal sa pamamagitan ng pagkakalbo sa kanyang sarili gamit ang isang razor. Ang razor diumano ay hinugasan sa ilog na kung tawagin ay Zamzam na para sa kanila ay isang mistikong ilog. Ang mga Satanista kasi ay nagsasagawa ng black magic at kung anu-ano pang bagay na may kinalaman sa karunungang itim.

       Ang kanilang aral ay napapaloob sa tinatawag nilang The Satanic Scriptures na inakda ng isa nilang high priest na si Peter H. Gilmore. Naniniwala silang kalikasan na ng tao ang pagkakaroon ng carnal beast o pagiging likas na masama. Karamihan diumano sa mundo ay pinaiikot ng hari ng kadiliman na walang iba kundi si Lucifer. Ang itinuturo raw ng Kristiyanismo ay pagpipigil sa kaligayahan ng tao samantalang sa kanila mayroon diumanong kalayaan. Wala silang ibang adhikain kundi pabagsakin ang mga relihiyon sa mundo laung-lalo na ang Kristiyanismo na kung ituring nila ay isa lamang pamahiin at alamat. Noong una nga raw parang misyonero si LaVey dahil naglalakad-lakad ito sa kalye para ipahayag ang kanyang doktrina.

         Noong mga taong 80's ay sumindak ang balita na mayroon diumanong mga bata na dinudukot para ialay 'di lamang sa Amerika kundi dito sa Pilipinas. nang mga panahong iyon ay maraming mga magulang na nabahala para sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Hatid-sundo ang mga bata para 'di diumano mabiktima ng mga Satanista. Natural pinabulaanan ito ng grupo ni LaVey dahil hindi raw sila gumagawa nito.

        Namatay si LaVey noong taong 1997 subali't ipinagpatuloy pa rin ng kanyang mga alipores ang kanyang nasimulan. Ngunit sadyang wala silang gaanung makuhang miyembro dahil kakaunti lamang ang kanilang mga miyembro sa buong mundo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...