Monday, February 11, 2008

Buhay pa rin Ang Manu-manong Potograpiya


Sa pag-usad ng panahon 'di maiiwasan ang pagbabago ganun din sa teknolohiya. Nang lumitaw ang mga cellphone na may kamera at mga kamera na digital ay nasapawan ang mga ordinaryo o manual na kamera. Pero kahit ganun ay 'di pa rin ito nawawala dahil sa nakasanayan na ng mga tao.


Ito ang gustong patunayan ni Alex Apostol, 36 taong gulang ng Brgy. San Isidro, Antipolo City. Dating may sariling photo studio ang kanyang mga magulang at doon nag-umpisa ang kanyang hilig sa pagkuha ng litrato. Pero dahil nga sa paglabas ng digital ay 'di nila magawang sumabay sa agos kaya't naging daan ito para magsara ang kanilang negosyo. Doon niya naisipan na maging litratista na lang sa may simbahan ng Antipolo. Palibhasa ay famoso ang naturang bayan kung kaya't araw-araw ay dinarayo ng mga tao mula pa sa iba't ibang lugar. Kahit may mga dala pang kamera ang mga dumarayo ay nagpapakuha pa rin ang mga ito sa kanila ng litrato.


Tuwing Linggo dagsa ang mga tao sa Simbahan ng Antipolo kung kaya't tambak rin ang mga litratista kumpara sa ordinaryong araw lang na kaunti lang ang litratista.Ang pagkahilig na rin sa soveigner ng mga tao ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang kanilang industriya. Ang bayad daw sa ordinaryong litrato ayun kay Apostol ay 45 pesos at kapag malaki naman ay 55 pesos. Tumatakbo lang sila sa malapit na photo studio para doon magpadebelop. Ang puhunan lang naman nila sa paglilitrato ay film at tiyagang maghintay kung may gustong magpakuha ng litrato.


Hindi naman daw kinakailangan na magtapos ka pa ng potograpiya sa ganitong trabaho. Ang mahalaga raw ay marunong kang pumokus o kumuha ng magagandang anggulo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...