Sunday, February 10, 2008

Serial Killers Angat sa Amerika!


Serial killers angat sa AmerikaIsang kumpanya sa Amerika na kilala sa tawag na Serial Killer Calendars ang wari ay nag-aangat o pumupuri pa sa mga kriminal. Ito ay sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produktong may kinalaman sa mga taong minsan ay naghasik ng lagim sa lipunan.


Mabentang-mabenta diumano ang paninda nilang t-shirt, paintings, poster, kalendaryo at marami pang iba. Pati nga ang ginamit na relo ng mga kriminal ay kanilang ibinebenta. Ipinagmamalaki nilang isa sa mga pangunahing suki ng kanilang kumpanya ay mga sikat diumanong artista, writers at mga movie director na pawang natutuwang mangolekta ng kanilang mga produkto. Patok diumano ito dahil kakaiba talaga ang kanilang iniaalok sa publiko na tanging sa kanila mo lamang makikita. Wala silang pakialam sa sasabihin ng iba lalo na yaong mga taga-Simbahan. Dahil para sa kanila enjoy sila sa kanilang ginagawa. Ilang beses na ring naitampok ang Serial Killer Calendars sa mga malalaking media network gaya ng Boston Globe, Fox News, AP atbp. Dahil sa kanilang exposure ay lalong nakilala ang kanilang kumpanya.


Ngunit hindi lamang pagbebenta ng mga produkto ang kanilang pinagkakaabalahan. Kundi maging ang pagbibigay ng impormasyon sa madla tungkol sa naging buhay ng mga kilabot na kriminal. Kung ilan ba ang kabnilang naging biktima at kung sa paanong paraan nila ito pinatay. Hindi na mabilang sa dami kung sinu-sino ang nasa kanilang listahan. Kahit mga baguhang serial killer basta't nagustuhan nila ay kanilang isinasama para makilala ang mga ito. Bukod sa pagbibigay ng trivia ay gumawa rin sila ng pag-aaral kung bakit naging kriminal ang mga ito. Magbigay ka ng pangalan ng isang serial killer at siguradong kasama ito sa kanilang listahan. katulad na lamang nina Jack The Ripper, Andrew Cunanan at marami pang iba.


Maging ang mga salita ng mga kriminal ay kanila ring pinapahalagahan at ginagawa pa nila itong quotation. Narito ang ilan sa salitang galing sa sikat na serial killer na si Ted Bundy: "I just liked to kill. I wanted to kill." " I want to master life and death" at " I'm the most cold blooded son of a bitch you'll ever meet."

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...