Friday, February 15, 2008

Marijuana

Napupuno ng usok ang aking silid
Kumawala ang isipang dati'y pinid
Pumailanlang ang mabangong samyo
Naghahalo pagkagising at pagkaliyo.

Sa kaitasan ako'y lumulutang
Habang ninanamnam ka sa gunam-gunam
Humahaplos lagi ang 'yyong kagandahan
Sa isipan ay lalong nagpapahibang.

Gunita ka sa gabing lukob ng dilim
Ang diwa'y lumilipad sa papawirin
'Di ko na makita ang bukangliwayway
May patlang sa aing nagpapahiwalay.

Humahadlang ang ating paniniwala
Dalisay kong nasa nauupasala
Dam,dami'y nasa bingit ng kamatayan
Pag-ibig mo lang ang tanging katubusan.

Bawat pagtanggi mo'y pagtarak sa dibdib
'di man inidaahin ang sakit, sumasanib
Ngunit ang aking sarili'y 'di madaig
Bagama't magkaiba ang aing daigdig.

Kung tulad mo'y halamang maay limang dahon
Sinisindihan ng ibig makasumbong
Sa katauhan ko ikaw'y ikukuyom
Upang maharap mabigat na linggatong.

Ngunit ba't 'di kirta magawang malimot
Himaymay ng asap lalong nanuot
Nang makausap ka lumakas ang tama
Nararamdaman bakit ayaw humupa?

Mary Jane, ikaw ba'y isa lang pangarap
Karugtong ng matagal kong paghahanap
Ngayong ikaw na ay aking natagpuan
Ang puso mo'y ayaw magbigay ng puwang.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...