Saturday, February 16, 2008

Anim na Tanaga

Bading
Bakit titingin-tingin?
Sa poging dumarating
Mistulang isang matsing
Sumusubo ng saging.
Tomboy
Super seksi at ganda
Kutis ay porselana
Liligawan ko sana
Pero gusto'y si Eba.

Guwapo
Mayamang negosyante
Bagong-bago ang kotse
Kaya't daming babae
Manyakis na disente.

Siga
Nakaharang sa daan
Sinisindak sinuman
Sinugod ng kalaban
Bumagsak nang duguan.

Pilantropo
Matulungin sa kapwa
May ugaling dakila
Mapagkunwaring gawa
Pulitikong masama.

Tuso
Nagkaroon ng pakpak
Ang matayog na utak
Pagdududa'y nawasak
Ng madayang panulat.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...