Sunday, November 16, 2014

Sa Bawat Araw

Sa bawat araw damdamin para sa 'yo'y umiigting
Tibok ng puso lumalakas ang bagting
Pakiwari ko ang loob ko'y mistulang sasabog
Mundong dati'y tahimik ngayo'y nabubulabog!

Sa bawat araw sa aki'y lalo kang napapamahal
Kaya't pag-ibig ko'y hinding-hindi mabubuwal
Anumang hadlang ang sa gitna nati'y dumatal
'Pagkat nagpapalakas sa aki'y tanging ikaw.

Sa bawat araw pag-ibig natin lalong tumatamis
Kaya't sa puso'y dinadama ng labis-labis
Sa tulad mo wala ng hihigit pa't lalambing
'Pagkat natagpuan sa 'yo ang tunay na pagtingin.

Sa bawat araw may nalilikhang tula't awit
Lalo na't 'pag ngalan mo'y aking sinasambit
'Pag nasa kandungan mo mistulang dinuduyan
Ayokong pumikit, nais kong ikaw'y sinisilayan.

Sansaglit na 'di ka makita ay nananabik
Hinahanap-hanap ka tulad ng isang halik,
Isang araw na lumilipas ay sadyang kulang

Tuwing kasama ka oras ay 'di namamalayan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...