Saturday, November 29, 2014

Naiwan ang Puso Ko

Ang puso ko ay aking naiwan
'Di ko nakuha nang ikaw'y lumisan
Hanggang ngayon kipkip pa'ng nakaraan
Puso ko sa 'yo pa rin nakalaan.
 
Sa kabila ng sakit na 'yong pinadama
Bakit mahal pa rin kita, sinta?
Gayung ako'y tinalikuran mo na
At ang balika'y 'di mo na ibig pa.
 
Ibalik mo ang aking puso
Natangay mo nang ikaw'y lumayo
Mahirap mang gamutin at nagdurugo
Kahit 'di ko alam kung saan tutungo
'Pagkat ako ay ganap na bigo.
 
Kay hirap dalhin dating damdamin
Balewala lang kahit sundin pa rin
Ako'y nilimot na't ayaw pansinin
Kahit noon ikaw'y naging akin.
 
Wala na akong puso habang nabubuhay
Kung pag-ibig sa 'yo 'di matatanggal
'Pagkat 'di na magagawang magmahal
O, ako nga ba'y isang tunay na hangal?
 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...