Mainit na pinag-uusapan ang kababayan natin ngayon na si Carmina Topacio, labing-walong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Dela Salle University. Siya ang sinasabing bagong pinoy singing sensation sa You tube. Ito ay dahil na rin sa dami ng bilang ng mga tumitingin sa kanyang mga pinost na mga video ng kanyang pagkanta sa naturang sikat na site. Bukod sa mga cover song ay mayroon ding mga original song si Carmina.
Hindi na rin naman ito nakapagtataka dahil kung talagang mayroon kang pambihirang talento ay lulutang at lulutang ka. Kahit sabihin pang napakaraming mga tao ang nangangarap na makilala ng mga tao sa pamamamagitan ng Internet. Pangunahing instrumento na nga rito ang You Tube para babigyan ng opurtunitidad ang kahit na sino. Sino ba naman ang ‘di makapapansin sa dalagang ito, na bukod sa husay sa pagkanta ay marunong ding mag-piano at maggitara. Bukod dito ay nabibiyaan din ng pambihirang ganda, na kung titingnan ay parang Japinay. Maaaliw ka talaga habang siya ay iyong pinapanuod dahil mayroon itong natural na karisma.
Ayon kay Carmina sa isang post niya sa kanyang blog(www.carminatopacio.cjb.net), bata pa alng siya ay mahilig na talaga siyang kumanta. Nagre-record na rin siya noon at gumawa pa ng sariling cd. ‘Yun nga lang ay ‘di niya ito ipinapakalat kundi pang-sarili lang. Hindi naman daw niya na hangad na sumikat o makilala. Napagkatuwaan lang din niyang mag-post dahil nauuso ang pagpo-post ng kung anu-ano’ng video sa You Tube. ‘Di niya akalaing marmaing papansin sa kanya dahil ilyun-milyon ang mga naka-post dito. Na-sorpresa na lamang siya ng msobrang dami na ng nag-subcribe sa kanyang channel. Pero inamin niya rin na gusto niya ring ma-discover. Sabi nga ni Carmina, “Sino’ng musician naman ang ayaw ma-discover, ‘di ba? It’s always been o dream of mine to have my own album.”
Pero sa totoo lang ay maaari na siyang maihanay ngayon sa mga sikat na Pinoy blogger na si Happy Slip, magkaiba nga lang sila ng medium. Ang kasikatan ngayon ni Carmina ay maaaring magbigay daan sa kanya para kuhanin ng isang malaking higanteng network ng telebisyon at ng recording company tulad nang nangyari kina Moymoy Palaboy na nadiskubre rin sa You Tube. Kapag nagkagayun ay mas maganda dahil may aabangan na naman tayong bagong mukha o bagong pangalan sa entertainment industry. ‘Yan ang talento ng Pinoy, namamayagpag talaga!
8 comments:
ang cute nya pero dun sa blog ko may chiks http://barttolina.blogspot.com/ bilis
hai. nice blog. i buy some of your books . kwentong lasing . cheer up dude
carmina laman kana ng mga blog galing talent ang beauty.
exchange link tayo heres my blog
http://pinaytextmates.blogspot.com
email me at pinaytextmate@yahoo.com
MJ, thanks sa pagbili ng book ko.
Leebouge, no problem. I-link kita rito.
sige boss william . may blog din ako,. yun nga lang, a place wer i can express my thoughts and feeings lang yung blog ko. eto oh .wag mo pagtawanan.
http://mjmarcos.blogspot.com
Certified Cutie!
Hi Carmine thanks sa pag-comment :)
Post a Comment