"Ano ba, ‘di mo ba narinig ang sinabi ko ko, buntis ako!" sabay tulo ng kanyang luha. Punung-puno kasi si Elaine ng pag-aala. Imbes na sagutin ang sinabi ng nobya ay niyakap na lang ito ni Larry ng mahigpit. Hindi alam ni Elaine kung paano sasabihin ito sasabihin sa kanyang mga magulang. Parang nakikinita-kinita na niya ang magiging reaksyon ng kanyang mga magulang na galit na galit. Ilang beses na rin kasi siyang pinaalalahanan ng mga ito na huwag magpapabuntis sa kanyang nobyo. Kung sakali mang mangyari raw ‘yun ay dapat kasal na sila. Dahil baka nga naman takbuhan lang ito ng lalake.
"Natatakot ako sa mga magulang ko, baka mapatay ako ni Tatay dahil sa galit. Ano kaya kung ipalaglag ko na alng itong dinadala ko." tanong ni Elaine sa kanyang nobyo.
"Huwag malaking kasalanan sa Diyos kung ipapalaglag mo ang bata."pagsawata niya sa kanayng nobya.
"Pero paano ‘yan wala ka pang trabaho? Parang nanunumbat na ang tono ni Elaine.
Bago maghiwalay ang mag-nobyo ng araw na ‘yun ay punung-punong ng tensiyon at agam-agam sa pagitan ng dalawa. Ang babae ay natatakot sa kanyang mga magulang. Samantalang ang lalake ay ‘di alam ang gagawin sa kinahaharap na sitwayon.
Pagdating sa bahay ay ‘di mapakali si Larry, naglalaro sa kanyang isipan ano kaya kung iwan na lang niya si Elaine. Huwag nang magpakita pa rito, uuwi na lang siya sa kanyang probinsiya. Pero alam niyang ‘di niya kayang gawin ang ganuon dahil ayaw niyang magkahiwalay sila ng kanyang nobya. Saka isa pa, ginusto naman nila pareho ang nangyari kaya walang dahilan para hiwalayan ang nobya. Hindi siya katulad ng iba na masyadong mapaglaro sa pag-ibig. Pagkatapos paibigin ang isang babae at buntisin ay maglalaho na lang itong parang bula. Ayaw niyang lumaki ang bata na walang kinikilalang ama. Ayaw din niyang kamuhian siya ng kanyang magiging anak paglaki nito dahil pinabayaan lang niya. Broken family kasi si Larry, bata pa lang siya nang maghiwalay ang kanyang ama’t ina. Kaya’t alam niya kung ano ang pakiramdam ng wala ang isang magulang. Napagpasyahan niya na pagpupursigehin ang paghahanap ng trabaho para mapaghandaan ang paglabas ng magiging anak nila ni Elaine. Bigla na lang itong na-excite kung ano ang magiging hitsura ng kanilang anak, kung ito ba ay lalake o babae.
Samantala, nagtapat na si Elaine ng kanyang sitwasyon. Noong una ay nabigla ang kanyang mga magulang. Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan ay hindi niya kinaringgan ng anumang sumbat at hinanakit ang kanyang mga magulang. Kundi puro pang-unawa ang kanilang ipinakita ng mga sandaling ‘yun. Makabubuting papuntahin na lang daw niya ang kanyang nobyo. Bahagyang natigilan si Elaine sa sinabi ng kanyang mga magulang dahil walang kasiguruhan kung ano ang susunod na hakbang ni Larry. Pero nawala ang lahat ng kanyang agam-agam nang mag-text ang nobyo. "Babes, bukas pupunta ako d’yan sa inyo para siguraduhin ko sa mga magulang mo na pananagutan ko ang nangyari." Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Elaine at sinugurado sa mga magulang napupunta ang kanyang nobyo sa araw ng bukas.
No comments:
Post a Comment