Bakit ang mundo'y laging kay dilim?
Tulad ng isinusuot mong damit na kulay itim
'Di ka naman gothic na nanghiram ng balabal
kay kamatayan
Na kanilang ibinalabal sa nandidilat na katauhan,
Maaari bang mahiram ang itim mong lipstik?
Upang sa blangkong pader ay aking maiguhit
ang pinagmulan ng iyong hinanakit.
Utak nga ba ay wala ring sing gulo
Tulad ng buhok mong kakaiba ang istilo
Nais mo yatang takpan ang iyong mga mata
Dahil ba sa marami kang ayaw makita

O isa lang pagbaling sa gilid ng mukhang
pilit itinatago ang namumuong luha?
Marahil nalulunod lang sa emosyon
Pagkat ang damdamin ay 'di naikakahon
Bagkus kumakawala ito't sumasabog
Sumasabay sa maingay ngunit napakalungkot
na tugtog.
Mistulang pinaghapdi ng iyong musika
ang matagal mo ng sugat
Kinalkal, ginatungan hanggang sa sumiklab
Waring nahulog sa likha mong bahay-alapaap
Mistulang awit ng agunyas o punebre
Sa atmosperang pang-unang araw ng Nobyembre.
Nais mo bang alayan kita ng kabaong
Upang mahimlay ka na't tuluyang maibaon?
Ngunit bawat isa sa atin nakahanda na ang hukay
Walang maiiwan kundi ang puso't diwang imortal
Ngunit mistulang nagpapakamatay
Sa musikang unti-unti kang pinapatay...

1 comment:
kahit hindi ako emo, nagustuhan ko 'to...
siguro nga madilim ang mundo, ngunit sa kulob at nakakasakal na silid nagmumula ang lakas para harapin ang nakakasindak na kinang ng na liwanag na nililikha ng mapagpanggap na lipunan...
Post a Comment