Paggising pa lang sa umaga kasabay ng pagtilaok ng manok nagsisimula na ang trabaho ng isang housewife. And'yan ang ipagtimpla ng kape si mister, ipagplantsa ito ng uniporme at ipaghanda ng almusal. Aasikasuhin din niya ang mga batang pumapasok sa eskuwela; papaliguan,bibihisan at ipaghahanda ng baon. Diyata't umaga pa lang ay pawian na si misis sa dami ng ginagawa. Sunod naman niyang haharapin ang paglilinis ng bahay, paglalaba, pagluluto maging pag-aalaga ng maliliit pang mga anak. Mahirap mag-alaga ng bata lalo't kapag sanggol pa lamang dahil kinakailangan na 24 oras kang nakaantabay.
Siya rin ang tagapag-budget ng suweldong iniintriga ni mister. Pilit niya itong pinagkakasya, dibaleng huwag ng mabigyan ng layaw ang sarili basta ang importante ay ang kapakanan ng pamilya. Siya rin ang makikitang madalas na nagtuturo ng assignment sa mga anak. Kapag mayroong sakit ang isang miyembro ng pamilya ay talagang inaasikaso nang husto.Marami pa ang mga 'yan at 'di na kailangan pang banggitin. Mantakin mo at daig pa niya ang isang kasambahay sa dami ng gawain. Kahit walang suweldo ay taos-puso niya itong ginagawa. Dahil para sa kanya ito ay kanyang gampanin bilang asawa at isang ina. Kaya't hindi siya nababagot kahit ganuon at ganito na lang ang kanyang ginagawa sa isang araw.
'Di ba't dakila ang maging housewife?
No comments:
Post a Comment