Monday, November 9, 2015

Di ko Mailarawan

Tila ka tanawing walang singganda
Lulundo-lundong ulap sa mga mata
Bawat sandali ay nais makita.
 
Sa tuwing mga mata'y ipipikit
Larawan mo pa rin ay nakaukit
Nakadikit na parang pagkit.
 
'Di ko mailarawan tunay mong anyo
'Pagkat sa dibdib mo'y mayroong nakatago
Na bigla na lamang bumugso,
Ang nilalaman ng iyong puso
Kung saan pag-ibig nati'y nagtatagpo.
 
Ikaw ang lahat ng magagandang bagay
na kaibig-ibig
Kaya't sa 'yo lamang laan bawat kurap,
bawat titig
Ikaw na pinakamagandang larawan
sa buong daigdig!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...