Monday, November 9, 2015

Sa Bawat Tula

Sa bawat tulang sinusulat at binibigkas
Naroon ka't laging laman ng pangmalas
'Pagkat saklaw n\mo ang lahat kong danas
Kung habii'y walang pinipiling oras.

Dahil sa 'yo bawat tula mayroong kulay
Kaligayahan man o maging pagkalumbay
Laman ng puso sa 'yo lang nakasalalay
'Pagkat tula kang kaakibat na nitong malay.

Ikaw ang tula ng aking mga tula
Waring buhay ko sa 'yo nagmumula
Sa pag-iral ko, may hiwaga kang nililikha
Nahahaplos mo pati kaibuturan ng kaluluwa.

Sa bawat tula mayroon ka ngang puwang
Marahil ang tulad ko lubos sa 'yong nahihibang
Iniisip kita nang walang katapusan
Kahit wala ka, presensya mo ramdam na ramdam.

'Pagkat ikaw ang tula ng aking pag-ibig
Na walang sawang nagbibigay ng himig
Sa 'yo lamang umiinog yaring daigdig
Ipikit man ang isip patuloy ka pa ring mauulinig.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...