Wednesday, December 24, 2014

Ex-Boyfriend ni Mahal na si Jimboy Salazar, Magpapakasal na sa Kanyang Boyfriend?



            Mga ka-netizen, mukhang nauuso yata ang pagpapakasal ng mga nasa third sex,ah. Kamakailan lang ay nagpakasal sina Aiza Seguerra at ang kasintahan nitong si Liza Dino. Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa California dahil ‘di naman legal ang same sex marriage sa Pilipinas. Ngayon naman ay nagpahayag si Jimboy Salazar na ex-boyfriend ni Mahal na magpapakasal  na raw sila ng kanyang kasintahan na nagngangalang John sa susunod na taon.

            Malamang naaalala mo pa si Jimboy. Oo siya ‘yung malaking tao na nagpapa-interbyu noon sa TV na nagmamahalan daw sila ni Mahal. Eh, obvious namang iba naman ang habol niya kay Mahal. Kitams ‘di rin nagtagal ang relasyon nilang dalawa. Noong bandang huli, lumadlad na lang ito si Jimboy. Sa panayam sa kanya ng isang programa sa telebisyon noong 2010, inamin ni Jimboy na siya ay pusong babae. Kaya’t imbes na tawagin siyang Jimboy ay Jimgirl na lang ang itawag sa kanya. Sinabi pa niyang hindi diumano madali ang lumantad ng tunay mong katauhan. Alam mo na, ang mga jokla sa atin ay kadalasan nagiging biktima ng diskriminasyon at nagiging sentro ng panlalait at pinagtatawanan.

            Nabuo raw ang planong pagpapakasal ni Jimboy at ng kanyang kasintahan na isang entertainer sa Singapore nang nandun daw siya sa bansang ‘yun. Sinabihan ito ni Jimboy na baka makahanap ito ng ibang karelasyon habang nandun. Para mapawi ang pag-aalala ni Jimboy ay inalok na siya diumano ng kasintahan na magpakasal na sila sa sunod na taon. Siyempre, payag naman agad si Jimboy sa alok na kasal at baka nga makawala pa ang boyfriend sa kanya.


            Sinabi ni Jimboy na ang gusto niyang maging tema ng kanilang kasal ay beach wedding. Gusto niya magsusuot siya ng mala-fairy tale na damit at dapat  ang lahat ay naka-all white, pero makukulay na bulaklak ang nasa paligid. O, paano ‘yan mahal, mauunahan ka pang maikasal ng ex-boyfriend mo na minsan mo pang ginawan ng kanta tungkol sa kanyang sexual orientation. Kunsabagay, matagal na rin naman siyang nagpaka-Jimboy at ngayon ay masaya na siya sa kanyang pagiging Jimgirl.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...