Sunday, June 29, 2008

Aparato


Parang kailan lang ay ang lakas-lakas pa ng ina ni Tyron. Pero ngayon ay hindi siya makapaniwalang buto't balat na lang ito. Wala na ang dating sigla na lagi niyang nasisilayan sa labi ng ina. Ni hindi na nga nito magawang magsalita, tanging ang mga mata na lang nito ang gumagalaw. 'Di nga alam ni Tyron kung naiintindihan pa ng kanyang ina ang sinasabi niya. Nasa stage 4 na kasi ang breast cancer nito.

Nagtataka si Tyron kung bakit nangyari ito samantalang inoperahan na dati ang kanyang ina. Tinanggal na nga ang isang dibdib nito para 'di na kumalat pa ang kanser. Pero sadya yatang sa mundong ito lahat ay walang kasiguruhan. Kaya't bumalik ang kanser na unti-unting sumisira sa buong sistema ng kanyang ina. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang humaba pa ang buhay ng ina. Bilang anak mahal na mahal niya ito lalo na't wala naman silang naging mabibigat na away ng kanyang ina. Maliban sa konting tampuhan na naaayos din naman agad.

"Ano'ng pasya mo Mr. Galvez, tatanggalin na ba natin ang oxygen ng mother mo?," tanong ng duktor.

"Huwag po muna, dok..." mabilis at madiing sagot ni Tyron.

"Ikaw ang bahala, nasa naman 'yun," sabay talikod ng duktor.

Ayaw pang isuko ni Tyron ang buhay ng kanyang ina. Umaasa pa rin siya na baka may milagrong magaganap. Na isang araw ay gagaling din ang ina. 'Di bale ng maubos ang lahat ng kanyang pera basta madagdagan pa ang buhay ng kanyang ina. Di bale ng sabihin ng iba na makasarili siya dahil pinapatagal pa niya ang paghihirap ng ina. Pero sino ba sila para manghusga? Kung alam lang nila ang pakiramdam ng isang anak na nakikita ang ina sa ganitong kalunus-lunos na kalagayan.

Noong nakakapagsalita pa ang kanyang ina lagi nitong sinasabi na gusto na niyang gumaling. Sinasabi rin nito na kung ano man daw ang kahinatnan ng lahat ay nakahanda na siya. Pero si Tyron hindi pa rin siya handa, hindi kasi siya sanay na hindi nakikita ang ina. Kaya't paano niya haharapin ang umaga na wala na sa piling ang ina? Sa kanilang magkakapatid siya pa naman ang pinakamalapit dito.

"Hindi ka Diyos para dugtungan pa ang buhay ni Mama. Puwede ba pagpahingahin mo na siya," ito ang sinabi ng kanilang panganay na ngayon ay panay ang ukilkil sa kanyang utak.

Sabi pa ng kanyang kuya magpasalamat pa rin daw sila at nabigyan pa sila ng pagkakataon na iparamdam sa kanilang ina ang pagmamahal nilang magkakapatid. Nasabi na rin naman ng kanilang ina ang gusto nitong mangyari kung sakaling wala na siya. Mas mapalad daw sila kumpara sa mga taong bigla na lang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa aksidente.

Kinabukasan sa loob ng kuwarto ng kanyang ina sa hospital ay kumpleto ang buong pamilya. Magkakayakap ang magkakapatid kasama ang ilang malalapit nilang kamag-anak. Nagpasya na kasi si Tyron na tanggalin na ang aparato na bumubuhay sa kanyang ina. Walang tigil ang kanyang pagluha habang unti-unting tinataggal ang aparato. Pakiramdam niya para rin siyang malalagutan ng hininga. Napakasakit para sa kanya na sa kanyang kamay humugot ng huling hininga ang ina. Pero sa kabilang banda makakapagpahinga na rin ito dahil tinapos na niya ang paghihirap ng pinakamamahal niyang ina...

Infinitum Perfectum

Infinitum perfectum
Dios mio ultimatum
Pitpitin ti scrutum
Bohosan ng danum.

Hindi sakdal ang malay
Lalo't kaluluwa'y may bahid ng uling
Sa kadilimang sadyang 'di malining
Pagputol ng hulagway.

Infinitum perfectum
Umiicot pendulum
Quehoda me kolorum
Que horror espiritum.

Sumapit na ang oras
Nitong takdang katapusan ng lahat
Kumikiwal pa ang sugat sa balat
Naubusan ng lakas.

Infinitum perfectum
Querida ni Shalom
Navotas iti condum
Naperder pagkasolidum.

Warat na ang gunta
Dati'y birheng iningatan sa dibdib
Ngayon saan na makikipagsanib?
Huli ng pagtitika.

Infinitum perfectum
Que barbaridad con hodlum
La realidad in addictum
Somilab na petrulium.

Abo na ay lumipad
Nagmistulang impersonata
katauhang isinilid sa lata
Sanktuwaryo na huwad.

Tuesday, June 24, 2008

Buhayin Natin Ang Mga Patay


Hindi na babangon pa ang bangkay sa hukay
Hindi na sila mabubuo tulad ng mga bagay na naabo.

Mga labi nila'y mistula na lamang tuod
Sobrang tigas pero sadyang kay rupok
Singrupok ng hiningang likha sa hanging
sansaglit na uumihip
para magbalik sa kung saan.

Walang salamangkero at mangkukulam
na maaaring bumuhay
Kaya't bakit aasang mayroong magbabalik
sa abeismo ng kawalan?

Banyuhay ng Zombie ay isa lang panaginip...

Bakit nagtitirik ng kandila
sa gitna ng pagtatagulaylay?
Luksang liwanag ang bumabalot
sa kinalululanang silid
ng pagpapatiwakal.

Hinahaplos ka lamang ng sariling multo
Habang kaharap ang marka demonyong
Itinumba ng kahibangan
Pero bagsak ka rin,
sabay higa sa lamesang ginawang kabaong
ng diwa't pandamang malaon ng patay...

Saturday, June 21, 2008

FHM



Masarap bang magbasa-basa habang nag-iisa
sa loob ng CR o kuwarto?
Kapiling ng magasing madalas abangan
na parang collectible item
Girlfriend na kung ituringang mga modelong
inilululan sa pantasya.

Mas mainam pa ba sa pagbabasa ng smut tabloid
o panunuod ng porn?
Siguro mas masarap ang bitin
Kaysa makita lahat ang nakakubli,
Para lang model ng Avon at Sarah Lee
na nakapanti at bra
Pero puwede namang hubaran sa isipan
At makipagtunggali sa nag-aapoy na papel
na pumapaso sa kahubdan.

Makikinis at mapuputing kinis
Pero maputi rin kaya ang kanilang keps
na madalas sunugin ng regla?
Nag-aahit o nagbubunot din kaya sila ng bulbol
para 'di biglang sumilip?

Pero sino kaya ang tatanghaling
Sexiest Woman of the Year?
Si Katrina Halili? 'Di mo rin siya tayp
Si Angel Locsin panalo talaga!
Pero alam ko mas tayp mo pa si Darna
Na 'di bato ang nilulunok kundi sperma.

Anu't anuman kailangang ilabas ang libog
Patuloy ang salsal hanggang makarating sa sukdulan
At muling itatago sa kahon ang magasingl
laman ay diosa ng mga kalalakihan...

Wednesday, June 11, 2008

Ang Mamamahayag


Tawagin na lang natin siyang si Kuya, isang madiskarteng mamamahayag. Kung tutuusin ay matagal na rin siya sa larangang ito. Katunayan dito na siya tumanda 'yun nga lang ay 'di siya sikat gaya ng ilang mamamahayag na kilala ng marami. Hindi siya sikat kagaya nina Ted Failon, Korina Sanchez, Joe Taruc, Mike Enriquez at iba pa. Pero bigatin din itong si Kuyang dahil kilala siya ng maraming pulis, pulitiko, mga opisyales ng gobyerno, mga lider ng asosasyon ng samahan ng mga maralita, mga traysikel sector at kung anu-ano pang samahan.

Siya ay isang broadcaster sa 'di gaanung pinapakinggang istasyon sa radyo at isa ring columnist sa mga diyaryo na marahil ay 'di mo pa naririnig ang pangalan. Hindi kasi ito ipinagbibili sa mga bangketa kundi through subscription ang pagkuha. Pero para sa akin wala namang pinagkaiba ang mga ito sa ilang media outfit maliban sa sila ay hindi mga dambuhala. 'Yan kasi ang hirap, ang gusto natin ay 'yung sa malalaking kumpanya ng media nagtratrabaho para kilalanin ang propesyon mo bilang mamamahayag. Kahit sa usaping ito ay nagkakaroon din ng diskriminasyon. Kaya maling paratangang Hao-Siao si Kuyang o yaong nagpapanggap lang na taga-media.

Kung sabagay wala naman sa hinagap ni Kuya ang sumikat. Basta noong bata raw siya ay mahilig na siyang makinig sa mga broadcaster sa radyo kaya't pinangarap niyang isang araw ay magiging ganito rin siya. At dahil na rin sa pagsisikap niya ay natupad naman. Kung pakikinggan ay karaniwan lang naman ang boses ni Kuya dinadaan lang niya ito sa pagmo-modulate ng boses. Ika nga practice makes perfect. Andyan 'yung palakahin n'ya ang boses niya na parang si Rey Langit. Pero ayon na rin sa kanya mas maganda kung natural lang ang gagawin baka biglang masamid. Ang katuwiran niya ang importante sa kanya ay ang kumikita siya. Titulo lang naman ang kailangan niya at hindi tulad ng iba na nagkukumahog para sa kasikatan. Ang matawag lang siyang broadcaster o columnist ay ayos na. Ito kasi ang ginagamit niya para magkaroon ng dating ang kanyang pangalan. Ikaw ba naman ang makakilala ng boradcaster o columnist ay hindi magkakaroon ng dating sa iyo? Siyempre kakailanganin mo rin sila para magkaroon ka ng kakampi. May taga-media na magbibigay sa iyo ng proteksyon, may magtatanngol sa iyo kapag nasangkot ang pangalan mo sa kontrobersiya. 'Yan ang silbi ng media para kay Kuya at hindi totoo na para magsilbi sa mamamayan.

Malinaw sa kanya na ang media ay isang negosyo at kung nagsisilbi man sa bayan ito ay sekondaryo na lamang. Paano raw makakapagpatuloy ng operasyon ang mga ito kung wala namang silang kikitain? Saka mahirap rin namang magpatakbo ng media outfit kung walang pumapasok na mga sponsor dahil siguradong bangkarate ang aabutin ng mga ito. Idagdag pa riyan ang matinding kumpetisyon. Kaya nga may mga dyaryo na kabubukas pa lang ay nagsara na agad dahil maiksi ang pisi. Dumarami ang diyaryo kapag malapit na ang eleksyon na ang gumagastos din ay mga pulitiko. Na kapag natalo ay iiwan sa ere ang mga nagtrabaho para sa diyaryo. Kumbaga para sa propaganda lang talaga ang intensyon.

Kaya nga kanya-kanya sila ng gimik lalo na ang mga tabloid, makatawag-pansin talaga ang headline nila. Pero sabi nga ng isang editor, ang kailangan mo lang naman sa headline ay kung hindi ka mananakot, ang kailangan mong pamagat ay 'yung kontobersyal. Basta't 'yung masasapul mo ang kuryusidad ng mambabasa. Tulad noong napabili ako ng 'di oras ng dyaryo dahil nauto ako ng pamagat pero putsa sa ibang bansa naman pala nangyari. Bakit naman kasi ganito ang pamagat nila eh 'di ba dapat balita sa Pilipinas ang ibalita nila? 'Yan ang sinasabi ni Kuyang na kailangan ng gimik. Dahil matira matibay ang labanan sa media. Kaya't ipinagmamalaki niya na 'di siya makaka-survive kung 'di siya madiskarteng tao. Magkano nga lang ba ang bayad sa isang istroya sa mga diyaryo? Tapos ang dami pa nilang mag-aagawan sa espasyo.Kapag 'di pa trip ng editor ang istorya mo ay hindi rin ito gagamitin kaya't sayang lang ang pagod mo. Kaya dapat marami kang isinulat na istorya. Pero kapag star reporter ka ng isang pahayagan o kaya kadikit mo ‘yung editor siguradong lagi kang may labas. Wala rin naming pinagkaiba ang media sa loob ng ibang organisasyon. Kung ‘di ka ka-tropa estsapuwera ka. Palakasan din ng kapit ‘yan. Oo, alam lahat ni Kuya ang mga ito eh maliit lang naman ang industriya ng pamamahayag sa bansa para 'di magkaalaman sa sistema rito.

Pero papano ba kumikita si Kuya.? Bakit kahit walang pinapasukang opisina ay araw-araw siyang umaalis at nakapustura pa? Tapos ang dami pa ng miembro ng pamilya niya na kailangan niyang pakainin. Simple lang naman malakas na ang koneksyon ni Kuyang kung kani-kanino.Kumbaga ito ang pinaghirapan niyang itayo sa loob ng maraming taon. Marami na siyang pinuri at pinakisamahang mga tao. Ang katuwiran niya ginagamit ka lang din naman ng mga ito kaya mabuting gamitin mo rin sila. Para sa kanya pera-pera lang 'yan.Sabi nga ni Kuya siya man ay may pangangailangan din kaya dapat din siyang matulungan ng mga ito. 'Yan ang prinsipyo ng give and take! Ayaw niyang matulad sa mga pinaslang na journalist at broadcaster dahil sa pagganap ng kanilang porpesyon. Hindi raw martir si Kuya kagaya nila!

Maraming raket si Kuya and'yan 'yung may mga lumalapit sa kanya para magpaayos ng problema sa lupa at kung anu-ano pang problema at kapag naayos ito ni Kuyang ay bibiyayaan siya ng mga ito.Ang bawat taong nakikilala niya ay itinuturing niyang asset na pagdating ng araw ay pakikinabangan niya. Sabi nga niya 'di baleng walang nakikinig ng programa niya sa radyo basta mayroon lang siyang mga guest na heneral at kung sinu-sino pang mga personalidad na gustong makapanayam sa radyo at maisulat sa dyaryo. Dahil sa kanila ay buhay na buhay na siya at ang kanyang programa. Oo nga naman pogi points din kasi sa kanila ang ganito. Na kailangan mong ipagwagwagan ang mabuti nilang ginawa para sa bayan. Buti sana kung may maganda ngang ginawa eh kadalasan lang naman ay puro pang-uuto at pambobola ang kanilang pinagsasabi. Lumalabas tuloy na parang PR man si Kuya dahil ganito rin naman ang gawain nila ang magpaganda ng imahe ng isang personalidad. Eh, ano ang pinagkaiba nila? Ang PR Man may koneksyon sa media samantalang si Kuya ay nasa loob mismo ng media.

Teka hindi yata ganito ang pagkakaalam ko sa code of ethics ng mamamahayag. Pero lecheng code of ethics 'yan papatayin ka naman sabi ni Kuya! Sa liit ba naman ng nakukuha mong bayad sa pagsusulat sa mga diyaryo ay hindi ka nito kayang bumuhay ng pamilya. Kailangan kasi marami kang pinagsusulatan, 'yung iba nga gumagamit pa ng alyas para 'di ma-trace na nagsusulat din siya sa iba. 'Yung kakilala ko nga habang nagsusulat sa diyaryo ay nagmamaneho rin siya ng FX. Kaya nga si Kuya kahit 'di bayaran ng publisher ay ayos lang. Dahil ilang pangalan lang sa kolum niya ang pupurihin ay pera na. Kapag sinusuwerte at hindi kuripot ay galante magbigay. Pero may pagkakataon din namang wala siyang napapala imbes na pera ang ibigay sa kanya ay may nagbibigay lang ng alak at kung ano pang pakunsuwelo de bobo. Kaya sa susunod ay 'di na siya pupurihin nito. Aba ano'ng akala nila kay Kuyang 'di marunong magtampo. Hindi ba sila nakakaramdam na may kailangan si Kuya sa kanila. Pero iba-iba raw talaga ang araw, may sandaling masuwerte at mayroon ding malas. Malas kung nagkataong walang pera ang kliyente o kaya mainit ang ulo o wala naman sa opisina.Meron din naman walang pakialam kahit purihin mo dahil wala naman daw silang sinabing gawin 'yun ni Kuya. Hay, naku palusot lang siguro nila 'yun para makalibre sila kay Kuya.

Mabait naman si Kuya eh at least hindi siya Collect and Attack kundi Depend and Collect lang. Ang iba nga raw niyang kasamahan ay mayayaman na, mga yumaman sa pagiging AC/DC! Hindi siya gaya ng iba na kung sinu-sino ang pagbabanatan sa kanilang programa o kolum pero gusto lang nilang masupalpalan sila ng pera tapos mananahimik na. Pero ibang klase rin itong si Kuya hindi na niya kailangang bumanat dahil ang pananahimik lang ay may katapat din na kabayaran. Pero marunong din maglibot sa mga perya o si Kuya kung kinakailangan para dumilehinsya. Pero ilag si Kuyang na maglibot sa mga jueteng lord o sa mga birhaws dahil 'di niya raw linya ito. Mas gusto pa niyang maglibot sa mga may-ari ng mga kolurom na junkshop at least walang gaanong hassle. Magaling din mag-organisa ng mga seminar si Kuya at mag-imbita ng kung sinu-sinong bisita. Ang habol niya rito ay semniar fee, sponshorship at panibagong kuneksyon. Siyempre magaling siya pagdating sa soliticitation para diumano sa programa niya sa radyo. Gumagawa rin siya ng grupo tapos gagawa ng ID na mayroong bayad. Ang iba naman kumakagat sa kanya dahil may tatak ito na "media." Alam mo naman ang ibang Pinoy mahilig magyabang. Meron nga d'yan may nakalagay na media sa sa kanilang sasakyan at t-shirt pero wala naman silang kauugnayan dito. Ang ugaling ganito ang nadale ni Kuya. Ika nga ni Kuya kung ano ang kahinaan nila 'yun ang dapat na madale mo! Kung mayaman lang siguro si Kuya ay magtatayo siya ng sarili niyang diyaryo. Minsan nga gumawa na siyang mag-isa ng sarili niyang diyaryo na siya lahat ang gumawa mula sa pagsusulat at pag-dedeliver nito at kahit paano kumita naman siya. Pero mas gusto nga niya sa radyo kasi bibili lang ng air time tapos siya na ang bahalang magmaniobra, 'yun bang hindi na siya aasa sa financier niya dahil siya na nga ang gagastos.

Kung sa iba kukundinahin nila si Kuya dahil sa pinaggagawa nito. Sasabihin nilang dinudungisan niya ang hanay ng mga media. Pero aminin man o hindi naging kalakaran na rin ito sa media. Ang iba nga lang ay patago o yaong tinatawag na under the table para 'di masipa ng dyaryo o istasyong kanilang pinaglilingkuran. Minsan pa ang ilang personalidad na rin ang nagbibigay ng pakimkim sa mga ito. Hindi ko siya maaaring sisihin dahil sa kanyang gawain. Sabihin na nating hindi ito tama. Siguro sasabihin din ng iba na dapat ay hindi ka pumasok sa ganitong propesyon kung ganito lang ang gagawin mo. Dahil ang media raw ay isang dakilang propesyon. Pero sabi nga ng mga nagpuputa aanhin mo ang pagiging marangal kung mamamatay ka namang dilat ang mga mata? Oo ganito ang nasa isip ni Kuyang. Pero ayaw ko ngang husgahan si Kuyang kung tama man o mali ito ay bahala na siya tutal matanda na siya at alam niya ang kanyang ginagawa. Para kay Kuya patuloy lang ang kanyang pagsasalita at pagsusulat...

Tips sa Pagsisimula ng Negosyo

Kilalanin ang sarili- Kilalanin munang mabuti ang sarili bago sumabak s pagnenegosyo. Kailangan alam mo ang iyong kakayahan para 'di nangangapa. Gaano ka ba kadesidido sa negosyong nais pasukin? Mahirap kasi 'yung urong-sulong dahil walang ibang talo kundi ikaw. Mayroon ka bang sapat n panggastos lalo na't mag-uumpisa pa lang. Mahalagang magkaroon ng mission at vision para sa paglipas ng isa o dalawang taon ay makita mo kung natupad ba ang hangaring umunlad ang negosyo batay na rin sa iyong projection.

Tamang personalidad -Pagkatapos mong makilala ang iyong sarili dapat ay alam mo na kung saan ka lulugar o ano'ng uri ng negosyo ang papasukin batay na rin sa iyong personalidad. Kung mahilig kang manggupit ng buhok, barber shop o beauty parlor ang bagay sa iyo. Kung mahilig ka sa alahas, maaari mong pasukin ang pagtitinda ng alahas. Kumikita ka na nag-ienjoy ka pa. Hindi kasi tama ang ginagawa ng iba na porke't uso ay makikisabay na rin kahit wala namang kaalaman hinggil doon. Halimbawa, sinasabing patok ang food business dahil lahat nga naman ng tao ay kumakain. Oo, tama ito pero ang tanong masarap ka bang magluto? Marahil naranasan mo na ring kumain sa mga karenderya o fast food na 'di naman masarap ang pagkakaluto ng ulam. Siyempre, 'di ka na babalik pa roon. Ibig sabihin magreresulta lang ito sa posibleng pagkalugi dahil pabawas ng pabawas ang mga kostumer. Maliban na lang kung aarkila ka ng magaling na cook. Pero mas maganda kung hands on ka sa lahat ng aspeto ng negosyo mo. Para kontrolado mo ang lahat. Kaya't nararapat lang magsimula sa isang negosyong may alam ka o background kaysa sumabak sa isang negosyong 'di naman umaakma sa kakayahan mo.

Pagplaplano- Sa anumang negosyo mahalaga ang pagplaplano dahil kung wala nito ay wala ka ring deriksyon at presto bagsak agad ang negosyo! Anu-ano ba ang dapat isaalang-alang sa pagplaplano? Una, marketing-pumapasok na rito kung paano mo ipapakilala sa madla ang iyong negosyo.Kinakailangan mo ng ibayong promotion, maaaring mag-ads sa mga diyaryo, mamibay ng brochure atbp. Kung paano mo rin prepresyuhan ang produkto o serbisyo? Pag-aralan ang merkado para ibatay dito ang presyo. Huwag masyadong mataas at huwag din naman sobrang baba, 'yung tama lang. Planuhin din ang production. Sapat ba ang perang gagamitin sa pagpapatakbo ng negosyo? Ilan ang babayarang empleyado? Anu-ano ang mga makinaryang gagamitin? Magkano ang bayad sa upa sa puwesto at kung anu-ano pang gastos.
Pagkuha ng pondo- Ang pagkuha ng kapital ay dadalawang paraan lamang. Ito ay ang pormal lamang, ang pormal at impormal. Sa pormal na paraan, nariyan ang mga bangko at iba pang institusyon na maaari mong paghiraman. Sa impormal naman, nariyan ang kamag-anak, kaibigan at kakilala na handang magpahiram ng walang interes. Sa pagnenegosyo ay mahirap iwasan ang pangungutang. Wala namang problema rito basta marunong ka lang magbayad para 'di masira sa pinagkakautangan. Kung ayaw mo namang mangutang aba'y dapat mayroon kang perang sadyang nakalaan sa iyong negosyo.

Pagsusuri at pagtataya-Sa pagsusuri(evaluation) at pagtataya(assestment) ay malalaman mo kung kumikita ka nga ba o nalulugi na? Mahalagang pag-aralan kung saan ka nga ba nagkamali. Iwasan lang ang pagiging negative thinker para makausad.Sa pagnenegosyo may panahon talaga na matumal anmg pagpasok ng pera. Pero kung may napunang mali ay agad na itama upang 'di na humantong sa pagsasara ng negosyo. Siyempre, dapat mo ring alamin kung ano ang naging bentahe ng iyong negosyo para lalo mo pa itong mapaunlad.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...