Nakakaaliw at nakamamangha ang mga robot na gawa sa scrapt metal at gulong na naka-display ngayon sa Marikina City. Ito ay mayroong iba't ibang disenyo gaya ng robot na animo'y hugis hayop at isda, meron ding robot na animo'y si Kupido dahil may hawak na palaso, meron ding ala Robocop atbp. Samantalang ang ibang robot ay ibang klase dahil wala itong katulad. Makikita ang mga ito sa may Tambay kay Lim, sa labas ng Marikina Sports Center at merong ding nakalagay sa loob mismo ng kanilang munisipyo.
Ayon kay Mayor Marides C. Fernando, asawa ni MMDA Chairman Bayani Fernando, ang mga robot diumano ay sumisimbolo sa nangyayaring pagbabago sa bayan ng Marikina. Kaya nga't Transformer ang tawag nila sa kanilang programang ito na patungkol sa kaunlaran. Siyempre, halaw na rin sa pamosong robot na si Transformer. Ang bayan nga naman ng Marikina ay isang payak na lugar sa Metro Manila ngunit ngayon ay maunlad na ang ekonomiya nito. Katunayan umaabot na nga sa bilyon ang kanilang nakukolektang revenue. Sa dami ba naman ng mga negosyong nakatayo rito. Bukod sa mga pagawaan ng sapatos ay pinasok na rin ito ng kumpanya ng call center. Kasalukuyan ding tinatayuan ng SM mall sa may River Bank.
Ang mga gumawa raw sa mga robot ay hindi mga robo expert o engineers kundi mga ordinaryong welder lamang. Noong una ay sinimulan lang nilang bumuo ng isang robot at dahil sa maganda naman ang kinalabasan ay dinamihan na nila. Ngunit hindi dapat maliitin ng iba ang kanilang gawa dahil pulido ang pagkakagawa at pinag-isipan nang husto. Diyata't ang mga taga-Marikina ay 'di pahuhuli pagdating sa larangan ng sining. Masaya naman diumano ang mga gumawa rito dahil naa-appriciate ito ng mga tao . Bagama't may mangilan-ngilan pa ring walang bilid dito. Dahil ang robot para sa kanila ay tanda ng pagiging tau-tauhan o sunud-sunuran. Ngunit malinaw namang hindi ganito ang ipinapahiwatig nito kundi yaong magagandang katangian ng robot gaya ng pagiging advance o moderno, isa sa bagay na kinakailangan para umasenso.

No comments:
Post a Comment