Ilan sa mga aktibong grupo ng mga makata ay ang mga sumusunod: Poetry & Poets, Pen Warriors Poet, Young FilipinoPoets of the Philippines, A Deluge of Colors, Ang Pluma ay Aking Dugo, Bolpen at Kape, atbp. Siyempre, 'di rin pahuhuli ang aking grupo, ang Alagad ni Balagtas na nabuo nito lang buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan.Layunin ng grupong ito na tipunin ang mga makata na nagsusulat sa sariling wika. Ginamit ang pangalan ni Balagtas dahil kapag isa kang makata ay karaniwan ng iniuugnay kay Balagtas, ang ama ng panulaang Pilipino!
Ngunit ba't nga ba sumasali ang mga makata sa ganitong uri ng grupo.Natural na kasi sa tao ang maghanap ng kauri ng bagay na kinahihiligan. Para rin maibahagi sa iba ang kanilang komposisyon. Mas madali nga lang namang mag-publish ng tula sa friendster kaysa maghanap pa ng magasin o diyaryo na maglilimbag ng iyong tula. Kahit ilang tula pa ang ipaskil ay pupuwede dahil nasa iyo naman 'yun. Ang kagandahan pa nito ay makatatanggap ng reaksyon sa mga kapwa mo makata,positibo man o negatibo. Mas maganda kasi kung ang kritiko mo ay kapwa makata dahil sila ang mas nakauunawa sa iyong akda kaysa sa iba. Makatutulong ito sa iyong pagsusulat. Ngunit huwag lang padadala kung ang pinupuna nila ay ang isitilo ng iyong pagsulat. Halimbawa, isa kang balagtista na nagpapahalaga sa sukat at tugma tapos ay minamaliit ka ng mga modernista na hilig naman ay malayang taludturan. Alalahaning magingsa hanay ngmgamakata ay mayroong pagkabaha-bahagi. Tumindig lang kung anuman ang iyong istilong tinataglay. Yamang sa pagsulat ng tula ang nilalaman ng tula ang mas mahalaga kaysa istilo.
Ikaw makata ka ba o gusto mo palang magibng makata? Bakit 'di ka sumali sa mga grupong nabanggit yamang iisa lang naman ang saligan ng mga grupong ito anupa't kundi ang pagtula!
No comments:
Post a Comment